Angel Locsin excited to marry fiance Neil Arce

by James Patrick Anarcon
Jul 14, 2019
Angel Locsin on marrying Neil Arce: "Reading-ready na ako. Very excited!"
PHOTO/S: @therealangellocsin on Instagram

Handang-handa na si Angel Locsin para pakasalan ang fiancé niyang si Neil Arce.

Ito ang sagot niya sa eksklusibong panayam sa kanya ni Korina Sanchez na inere sa Rated K ngayong Linggo ng gabi, July 14.

Sa umpisa pa lang ng interview, tinanong na agad ni Korina si Angel kung handa na ba siya sa pagpapakasal kay Neil.

Natatawang sagot ni Angel, "Siguro naman po! Reading-ready na ako. Very excited!"

Tinukso pa ni Korina si Angel tungkol sa silaw ng kanyang singsing.

Sabi ni Angel, "Wala pong binatbat sa singsing ninyo!"

Nang magpakuwento naman si Korina tungkol sa nangyaring proposal, ang tanging sagot lang ni Angel, "Si Neil, si Neil po nakaisip ng lahat ng ito."

Maikli lang ang naging panayam ni Korina kay Angel tungkol sa kasalan, dahil pinag-usapan din nila ang pinagbibidahang teleserye ni Angel na The General's Daughter, at iba pang topic.

Sa pagtatapos ng interview, sinabi ni Korina kay Angel, "Welcome to the club very soon! Wala nang urungan yan."

Continue reading below ↓

Nakangiting sagot ni Angel, "I know!"

Sabi pa ni Korina, "Sabihin mo kay Neil, ha, wala nang saulian ito ha!"

Biro naman ni Angel, "Lagot siya sa tatay ko pag nagkataon!"

June 29, 2019 nang unang ibinahagi nila Angel at Neil sa publiko na engaged na silang dalawa.

Ito ay sa pamamagitan ng Instagram, kung saan ipinost ni Angel na suot niya ang kanyang engagement ring at sinabing "I said YES."

February 2018 nang unang inamin nila Angel at Neil ang kanilang relasyon.

Subalit bago sila naging magkarelasyon ay matagal nang matalik na magkaibigan ang dalawa.

STORIES WE ARE TRACKING

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Angel Locsin on marrying Neil Arce: "Reading-ready na ako. Very excited!"
PHOTO/S: @therealangellocsin on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results