Former teen actress Angela Zamora arrested in drug buy-bust operation

by Arniel C. Serato
Jul 15, 2019
Former Star Magic artist Angela Zamora faces drugs case after her arrest in a buy-bust operation in Cavite.
PHOTO/S: Courtesy: Angela Garcia Bobis on Facebook / ABS-CBN News on Twitter

Kabilang ang dating artista na si Angela Zamora—Angela Garcia Bobis sa tunay na buhay—sa mga nahuli ng Bacoor City Police sa isang buy-bust operation sa Bacoor City, Cavite.

Base sa mug shot ng pulisya, noong July 11, Huwebes, pa nahuli si Angela ngunit ngayong araw, July 15, lamang ito naiulat sa media.

Bukod kay Angela, nahuli rin sa operasyong ikinasa ng pulisya ang kanyang live-in partner na si Vladymir Bersana at tatlong iba pa na kinilalang sina Jovencio Isler, Christian Lawrence Macanlalay, at Loro Lopez.

Ayon sa ulat ng ABS-CBN News, nakumpiska ng awtoridad mula sa kanila ang P68,000 na halaga ng shabu na may bigat na 10.08 gramo.

Sinampahan na ng kaso ang mga akusado kaugnay ng paglabag nila sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Kasalukuyan silang nakapiit sa Bacoor City Detention Center.

WHO IS ANGELA ZAMORA?

Si Angela ay ipinakilala sa publiko bilang miyembro ng Star Circle Batch 5 ng ABS-CBN noong 1997.

Continue reading below ↓

Kasama niyang inilunsad sina Melissa Avelino, Lui Villaruz, Paolo Zobel, Serena Dalrymple, Arman de Guzman, Gary Tesorero, Miguel dela Rosa, Diana Enriquez, Donnie Fernandez, Gemma Gonzales, Kathleen Hermosa, William Thio, Mark Vernal, Don Laurel, at Tanya Garcia.

Kasama rin sa nasabing batch ang mga aktibo pa rin hanggang ngayon sa showbiz na sina Baron Geisler, Shaina Magdayao, Bernard Palanca, Marc Solis, Thou Reyes, at John Lloyd Cruz.

Ilan sa mga pelikulang kinabilangan ni Angela ay ang Gangland (1998), Ang Lahat ng Ito ay Para Sa'yo (1998), at Nagbibinata (1998).

Ayon sa nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) mula sa Star Magic, ang talent development arm ng ABS-CBN, hindi nagtagal si Angela sa kanilang poder noon.

Kaya hindi nila masasabing naging aktibo ito sa showbiz matapos nilang ilunsad sa publiko.

Bukod kay Angela, marami na ring mga artistang hindi na aktibo sa showbiz ang nalambat ng pulisya.

Kabilang na rito ang dating child actor na si CJ Ramos na nahuli noong July 2018.

Continue reading below ↓

Matapos makalaya, tinulungan ni Coco Martin si CJ na makabangon kaya kinuha niya ito sa teleserye niyang Ang Probinsyano.

August 2018, napanood na muli sa telebisyon si CJ.

Hanggang ngayon, nananatili pa rin siyang cast member ng longest-running primetime show ng Kapamilya network.

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Former Star Magic artist Angela Zamora faces drugs case after her arrest in a buy-bust operation in Cavite.
PHOTO/S: Courtesy: Angela Garcia Bobis on Facebook / ABS-CBN News on Twitter
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results