Nagsalita na si Alden Richards tungkol sa paggawa naman ng AlDub partner niyang si Maine Mendoza ng pelikula na iba na ang kasamang leading man.
In-announce kamakailan na gagawa ng pelikula si Maine at ang makakapareha niya ay ang Kapamilya actor na si Carlo Aquino.
Sabi ni Alden, masaya siya para kay Maine at ito na raw ang panahon para malagpasan na nito ang kung anumang takot na nararamdaman pagdating sa pag-arte sa harap ng kamera.
