Ara Mina says Sarah Geronimo hopes to settle down with Matteo Guidicelli

by Arniel C. Serato
Jul 16, 2019
Ara Mina thankful for being part of Popstar Royalty Sarah Geronimo's new movie, Unforgettable.
PHOTO/S: Arniel Serato / Courtesy: Ara Mina

Excited si Ara Mina dahil kasama siya sa bagong pelikula ng Popstar Royalty na si Sarah Geronimo, ang Unforgettable.

Ito ang unang pagkakataong nakatrabaho ni Ara si Sarah.

Paglalarawan ni Ara tungkol kay Sarah, “Ano siya, super-tahimik.

"Nung after ilang shooting days, medyo ano na siya, kampante na siya sa amin ni Meg [Imperial], nakikipagkuwentuhan na rin.

Continue reading below ↓

“Siyempre, at first, nangangapa pa, e.

“Pero sobrang tahimik niya.

“Nung first shooting day at second shooting day, parang isang tanong isang sagot lang siya, e.

“Kapag tinanong mo siya, sasagutin ka lang niya, parang nagkakahiyaan pa.”

Nakasampung shooting days na sila, pero hindi pa raw sila ganun ka-close.

Minsan naman daw ay nagkukuwentuhan sila tungkol sa love life, partikular na ang relasyon ni Sarah sa boyfriend nitong si Matteo Guidicelli.

Saad ni Ara, “Medyo nag-uusap-usap na rin.

“Nagkukuwento ako about past love life ko, ganun.

“'Tapos sasabihin ko sa kanya, ‘Nakakatuwa naman kayo, matagal na kayo ni Matteo.’

"‘Oo nga po ate, e.'

“Tapos sabi ko, ‘Magkakamukha na kayo, feeling ko kayo ang magkakatuluyan.’ Sabi niya, ‘Naku po, Ate!’

“Nung Baguio shoot namin, medyo nakapag-bonding kami.”

Dumalaw na ba si Matteo sa set ng pelikula?

Continue reading below ↓

Sagot ni Ara, “Hindi, kasi di ba nag-ranger [scout ranger training] siya?

“So, nung time na nag-start kami mag-shoot, kaka-start lang niya sa ranger.

“Ayun, so okay naman.

“'Tapos minsan dala niya yung aso niya sa set.”

Nag-o-open up na ba si Sarah sa kanya tungkol sa boyfriend?

Sabi niya, “Hindi naman, wala pa kami sa point na ganun.

“Basta yung sinabi ko na, ‘Feeling ko kayo magkakatuluyan,’ sabi niya, ‘Sana po, Ate.’”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Ara sa isang private dinner noong Linggo, July 14.

NO DIVA FACTOR

Sa ilang araw nilang pagtatrabaho, nakitaan daw ni Ara ng kabaitan ang Pop Royalty.

Kuwento pa niya, “Ano siya, very humble.

"Kumbaga, makikita mo siya in person different kapag nagpi-perform siya.

“Pero sa personal, ‘Hello po, Ate,’ as in sobrang shy-type girl.

Continue reading below ↓

“So kapag nag-perform na siya, ibang Sarah G na ang makikita mo, kasi magaling na performer.

“Sa nakikita ko behind the scene, talagang concentrated siya [sa character niya].”

Napansin din daw ni Ara ang hindi pag-aastang diva ni Sarah.

Saad niya, “Okay naman, mabait, walang diva factor.

“Kasi, di ba, siyempre Sarah Geronimo na siya, e.

“Yung iba, pag ganun, medyo may ganun, diva factor, yung magpapaantay, aantayin mo [sa set].”

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ara Mina thankful for being part of Popstar Royalty Sarah Geronimo's new movie, Unforgettable.
PHOTO/S: Arniel Serato / Courtesy: Ara Mina
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results