Enzo Pineda shocked by threesome blind item involving him, Teejay Marquez, David Licauco

by Rommel Gonzales
Jul 17, 2019
Enzo Pineda finds blind item about him and two male co-stars funny: "Probably a lot of people would, I guess, fantasize. And alam niyo naman pag showbiz, may kanya-kanyang imahinasyon ang mga tao."
PHOTO/S: Jerry Olea

Hindi raw aware si Enzo Pineda na may blind item tungkol sa tatlong hunky actors na diumano’y nag-threesome sa shoot ng kanilang pelikula sa isang malayong lugar.

Kalaunan, pinangalanan ang tatlong hunky actors na sina Enzo, Teejay Marquez, at David Licauco.

Ang pelikula ay ang G!LU at ang lokasyon ay ang La Union.

Una nang sumagot at nag-deny ng naturang fake news si David.

Fake news dahil noong lumabas ang blind item na tukoy na tukoy silang tatlo ay ni hindi pa nag-i-storycon ang kanilang pelikula na produced ng ALV Films ng manager nilang si Arnold Vegafria.

Sa presscon ng Cinelamaya 2019 entry na Malamaya sa Annabel’s restaurant sa Tomas Morato, Quezon City, kahapon, July 16, Martes, medyo nagulat si Enzo nang banggitin namin ang tungkol sa blind item.

“Hala! Bakit may ganun?” nagtataka niyang sabi.

“Well, para to cut the long story short, siyempre hindi totoo.

“Pero hindi ko naman ini-expect na… probably a lot of people would, I guess, fantasize.

Continue reading below ↓

“And alam niyo naman pag showbiz, may kanya-kanyang imahinasyon ang mga tao.

“Ako, I just find it funny lang.

“Iyon, nothing to worry about.”

Kasalukuyan nang nagsu-shoot sina Enzo, Teejay, at David ng G!LU, kung kasama rin sina Ruru Madrid, Derrick Monasterio, at Kiko Estrada.

Ano ang mensahe ni Enzo sa mga taong mahilig magkalat ng fake news?

“Wala naman. God bless! Enjoy!” at tumawa ang hunky Kapamilya actor.

“Actually, wala akong masasabi.”

NEW BATCH OF STARSTRUCK HOPEFULS

Si Enzo ay produkto ng reality-based artista search ng GMA-7 na StarStruck Season 5, kung saan naging runner-up siya.

Ano ang maibibigay niyang mensahe o payo para sa mga bagong hopefuls sa Season 7 ng StarStruck?

“Saad ni Enzo, “Sa lahat ng mga bagong StarStruck na kasali or nakapasok, I wish them good luck.

“And for me, it’s been a long journey, e.

“Ako, nung nag-StarStruck ako, totoo lang, hindi ko nahanap yung gusto ko talaga, e, which is acting.

Continue reading below ↓

“Kasi nagsimula ako in dancing, e. Kasi mahilig lang po talaga akong sumayaw, so…

“Siguro advice ko lang, just put in the hard work, have faith.

“Kung tingin niyo walang napupuntahan yung ginagawa niyo, always remember to have a bigger purpose why you’re doing this—for your family, for your passion.

“Never do it just because na gusto nilang makita ang sarili nila sa TV, for fame.

“Don’t go for something superficial. Have bigger goals if you want to succeed in life.”

Kasama ni Enzo sa Malamaya sina Sunshine Cruz at Raymond Bagatsing.

Mula sa direksiyon nina Danica Sta. Lucia at Leilani Chavez, ang Malamaya ay entry ng Spears Films, ALV Films, at Cine Likha sa 15th Cinemalaya Philippine Independent Film Festival 2019.

Gaganapin ang Cinemalaya mula August 2 hanggang 14 sa Cultural Center of the Philippines.

Sa August 6 ang gala night ng Malamaya, at commercial run naman nito ay simula sa August 14.

Continue reading below ↓
Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story โ†’
Enzo Pineda finds blind item about him and two male co-stars funny: "Probably a lot of people would, I guess, fantasize. And alam niyo naman pag showbiz, may kanya-kanyang imahinasyon ang mga tao."
PHOTO/S: Jerry Olea
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results