Jimuel Pacquiao-Heaven Peralejo relationship on the rocks?

by Arniel C. Serato
Jul 18, 2019
Jimuel Pacquiao and Heaven Peralejo unfollow each other on Instagram, triggering netizens' speculations about the young couple's alleged breakup.
PHOTO/S: Glenn Regondola / Facebook / @heavenperalejo on Instagram

Hiwalay na ba sina Jimuel Pacquiao, 19, at Heaven Peralejo, 19?

Ito ang usap-usapan ng netizens sa social media dahil parehong nag-unfollow sina Jimuel at Heaven sa isa’t isa sa Instagram.

Hindi malinaw kung dinelete o naka-archive lang, pero hindi na rin makikita ang kanilang mga larawang magkasama sa kani-kanilang accounts.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ikinagulat ito ng mga sumusubaybay sa love life ng dalawa dahil noong Marso 2019 lamang sila umamin sa kanilang relasyon.

Si Jimuel ay panganay na anak ng Pambansang Kamao at senador na si Manny Pacquiao at ni Jinkee Pacquiao.

Si Heaven naman ay pamangkin nina Rica at Paula Peralejo.

Halos pitong buwan pa lamang ang relasyon ng dalawa.

JIMUEL DEFENDED HEAVEN IN THE PAST

Kasabay ng alingawngaw ng kanilang hiwalayan, may mga lumalabas namang blind item at intrigang hindi ikakaganda ng imahe ni Heaven.

Katulad na lamang ng kumakalat noong isyu kung saan tinawag ng ilang netizens na “gold digger” si Heaven.

Mariin itong pinabulaanan ni Jimuel sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong June 10.

Pagtatanggol pa ni Jimuel noon sa nobya: “They don’t really know who she is, what she’s like.

“Ako, kilala ko po siya, si Heaven, kasi girlfriend ko siya.

“So, ang masasabi ko lang po ay... no way, she’s not!

“There’s no way na ganun siya.”

Hindi naman daw tutol ang ina ni Jimuel na si Jinkee Pacquiao sa relasyon ng dalawa.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Jimuel Pacquiao and Heaven Peralejo unfollow each other on Instagram, triggering netizens' speculations about the young couple's alleged breakup.
PHOTO/S: Glenn Regondola / Facebook / @heavenperalejo on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results