Does Kris Bernal have a ghost suitor?

by Rommel Gonzales
Jul 19, 2019
Kris Bernal on ghost in their house: “Feeling ko nga, may crush siya sa akin, e! Feeling ko, kaya hindi siya umaalis ng bahay.”
PHOTO/S: Noel Orsal

Sa upcoming Kapuso afternoon drama series na Hanggang Sa Dulo Ng Buhay Ko ay isang multo ang role ni Kris Bernal.

Pero sa tunay na buhay ay naranasan na raw ni Kris ang multuhin.

“Sa bahay namin! Pero nakalakihan ko na siya, e,” sabi ng Kapuso actress sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong July 8.

Nakikita pa rin daw niya ang naturang multo pero hindi na natatakot si Kris.

“Shadow lang, hindi ko siya nakikita na clear na may mukha or whatever, but shadow.

“Noong una, natatakot ako, pero ngayon... takot pa rin pero sanay na, e.”

Hindi alam ni Kris kung sino ang naturang multo. Ayaw niyang ipagtanong.

“Baka may malaman pa ako, baka nga isipin ko, ‘Ay shucks, totoo nga ang nakikita ko.’”

May unang tumira sa bahay nila na hindi niya natanong.

“Hindi ko na alam kung nasaan siya.”

Continue reading below ↓

Nato-torture ba siya na hanggang ngayon ay nasa bahay nila ang multo?

“Hindi, kasi hindi naman siya bad spirit.”

Pero multo pa rin yun, di ba?

“Oo, pero hindi naman niya ako ginugulo.”

GHOST SUITOR?

Ayon kay Kris, lalaki ang multo base sa hitsura ng anino nito.

“Feeling ko nga, may crush siya sa akin, e!” at tumawa si Kris.

“Feeling ko, kaya hindi siya umaalis ng bahay.”

Sa bakuran daw lagi nagpapakita ang multo.

“Pero dahil hindi ako lagi nasa bakuran, hindi ko siya nakikita doon kundi sa kuwarto ko.”

Pumapasok ang multo sa kuwarto ni Kris.

Mabuti kung may crush lang sa kanya ang multo, paano kung ma-obsess iyon sa kanya?

“E, yun ang mahirap…”

Hindi niya pina-bless ang bahay nila para mawala ang multo?

“Ewan ko, hindi ko sure kung ano ang magiging reaction ng family ko, e.

Continue reading below ↓

"Baka isipin nila, ‘Ano ba itong si Kris? Ang weirdo nitong si Kris!’

“Kasi, wala silang nararamdaman, e.”

Mababasa ng family niya ang rebelasyon niyang ito.

Sabi naman ni Kris, “Okay lang kasi alam naman nilang lagi akong may kinukuwento na natatakot ako, ganyan, alam nilang ako yung pinaka parang may nararamdaman sa house.”

Ano ang reaksiyon ng family niya?

“Wala, siyempre dahil wala silang nararamdaman, so deadma lang.

“Nakikita ko siya, pero hindi naman lagi. Parang may oras lang.

“Okay naman, good spirit naman siya.”

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kris Bernal on ghost in their house: “Feeling ko nga, may crush siya sa akin, e! Feeling ko, kaya hindi siya umaalis ng bahay.”
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results