Luis Manzano confirms Jessy Mendiola has left Star Magic

by Melba R. Llanera
Jul 19, 2019
Luis Manzano on relationship with girlfriend Jessy Mendiola: “Naiintindihan namin na nasa industriya kami, pero at the same time, hindi namin binabalandra nang todo-todo na parang, ‘Heto kami.’”
PHOTO/S: Noel Ferrer / Instagram

Kinumpirma ni Luis Manzano na wala na sa bakuran ng Star Magic, talent management ng ABS-CBN, ang kanyang girlfriend na si Jessy Mendiola.

Pero tumangging sabihin ng Kapamilya TV host-actor kung totoo ang usap-usapang lumipat na sa Viva Artists Agency ang kasintahang aktres.

Si Luis ay mina-manage ni June Rufino, na executive sa Viva Entertainment.

“I guess, yung mga lipat-lipat issue, it's for them to answer, for Jessy to answer and her new management.

“I don’t think under Star Magic pa siya.

“Viva? Sila na lang ang tanungin nyo kung sino na ang bagong nagha-handle kay Jessy,” pahayag ni Luis nang makapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News noong nakaraang linggo.

Humingi ba ng payo sa kanya ang girlfriend sa desisyon nitong umalis ng Star Magic?

Saad ni Luis, "Oo naman, humingi siya ng advice.

“Ako naman, never ko siyang pinilit or anything sa Star Magic o kung ano pa man.

Continue reading below ↓

“Siyempre, she has her own career, she has her own decision to make.”

SECRET TO A HAPPY AND LASTING RELATIONSHIP

Masaya at kuntento si Luis sa itinatakbo ng tatlong taon nilang relasyon ni Jessy.

Ano sa palagay niya ang sikreto ng matibay at malalim nilang pagsasama?

“Same as always, we're very happy,” sagot ni Luis.

“After this, magkikita kami, right after taping.

“Hopefully makaalis kami before the year ends. Pinaplano pa namin, isang quick trip kami, pang-relax.

“Sikreto? Well, hindi kami masyadong nagpapakialam sa ibang tao.

“Yung relasyon natin ay sa atin, pinakaimportante siguro yun.

“Kahit pareho kaming showbiz, hindi namin sinu-showbiz nang todo-todo.

“Naiintindihan namin na nasa industriya kami, pero at the same time, hindi namin binabalandra nang todo-todo na parang, ‘Heto kami.’”

Kailan naman kaya mauuwi sa proposal at engagement ang relasyon nila?

Sagot ng Kapamilya star, “Tingnan na lang natin. Kung mangyayari, mangyayari.

Continue reading below ↓

“Ganun naman para sa aming dalawa. Yun ang take naming dalawa.”

JESSY’S NEW HAIRSTYLE

Kinuha rin ang reaksiyon ni Luis sa bagong hairstyle ni Jessy—na mula sa pagiging blonde ay nagpaiksi ito ng buhok na bumagay naman sa aktres.

View this post on Instagram

????????‍?? @hairstylebyantoniopapa @iamantoniopapa

A post shared by Jessy Mendiola (@senorita_jessy) on

Kuwento ni Luis, “Ipinakita niya sa akin beforehand kung ano yung buhok niya, sabi ko, ‘I'm sure babagay sa iyo.’

“Nung nakita ko nga pag-uwi ko ng bahay, sabi ko gandang-ganda ako sa buhok niya.

“Bagay, even from the cut, the color.

“Ang galing kasi lahat ng ginagawa niya—from the color, from blonde to gray—lahat bumabagay sa kanya.

“Dun sa salon ni Anton Papa yung gumagawa, ang dami ring nagpapagawa ng ganung color.

“Grabe raw talaga yung nakaabang dun sa hairstyle ni Jessy.”

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Luis Manzano on relationship with girlfriend Jessy Mendiola: “Naiintindihan namin na nasa industriya kami, pero at the same time, hindi namin binabalandra nang todo-todo na parang, ‘Heto kami.’”
PHOTO/S: Noel Ferrer / Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results