Idol Philippines contestants, DJ Rico Robles deny mocking James Reid

by Bernie V. Franco
Jul 19, 2019
Idol Philippines contestants Lance Busa (far left) and Matty Juniosa (second right) and radio disc Jockey Rico Robles (second from right) are now under fire for allegedly making fun of James Reid (extreme right).
PHOTO/S: ABS-CBN / Instagram

Binabatikos ngayon ng fans nina James Reid at Nadine Lustre (JaDine) ang Idol Philippines contestants na sina Lance Busa at Matty Juniosa at ang disc jockey na si Rico Robles.

Ito kaugnay ng kumakalat na video sa social media kung saan pinagtawanan diumano ng tatlo si James.

Si James ay isa sa mga judge ng ABS-CBN reality based-singing search na Idol Philippines, kung saan contestants sina Lance at Matty.

Sa video clip, mapapanood si DJ Rico na nagkukuwento na napanood daw niya sa Idol Philippines si Lance.

Kuha ang video sa Stages Session noong Lunes, July 15, kung saan host si DJ Rico at nandoon sina Lance at Matty.

Ani Rico bilang pagtukoy kay Lance, “I turned on the television on my ABS-CBN TV Plus, and there you are! James Reid telling you how to sing…”

Sa puntong iyon ay ipinokus ang camera sa audience, kabilang sina Lance at Matty, na malakas na nagtatawanan.

Continue reading below ↓

Pagpapatuloy ni Rico, “If he [James] only know much range this guy [Lance] has…”

Ibibigay raw ng Monster Radio DJ ang boto niya kay Lance.

Sa kasalukuyan ay in the running pa si Lance sa Idol Philippines, habang si Matty ay na-eliminate na.

LANCE BUSA

Dahil sa video, sunud-sunod ang pambabatikos ng mga dismayadong JaDine fans kina DJ Rico, Lance, at Matty.

Continue reading below ↓

Kaagad namang nagpaliwanag ang Idol Philippines contestants at si Rico sa pamamagitan ng social media kagabi, July 18.

Ayon kay Lance, hindi niya sinasang-ayunan ang opinyon ni DJ Rico.

Mataas din daw ang respeto niya kay James na tinitingala niya bilang isang artist.

Sinabi rin ni Lance na hindi nakunan sa video ang pagsenyas niya ng “X” para ipaalam kay DJ Rico na tutol siya sa biro nito.

Continue reading below ↓

“After po inikot ang camera, naka 'X' po ang mga kamay ko showing them na that was a bad thing to say.

“I did not support it all po, but sadly it wasn’t caught and there is no proof of me showing that.

“I really would like to apologize for how you saw my reaction on the video.”

Continue reading below ↓

Sabi pa ni Lance, “Again po I will speak muna for myself, I do not support what he said and my reaction shown on the video was because I first thought Rico said James was judging me well, then I reacted back and made an action para sana mabawi niya ang sinabi niya.

"Sorry po. I am not a bad person."

Continue reading below ↓

Magkahalo naman ang reaksiyon dito ng netizens.

Patuloy ang pagbatikos sa kanya ng ilang JaDine fans, habang nagpahayag ng pagsuporta kay Lance ang kanyang fans.

Continue reading below ↓

Continue reading below ↓

Bago ang Idol Philippines, kahit paano ay nakagawa na ng pangalan si Lance bilang singer.

Siya ang grand winner sa singing competition na pinangunahan ng American Pop singer na si Michael Bolton noong 2017, ang Bolt of Talent.

Finalist din siya sa GMA-7 boyband search na To The Top (2015).

MATTY JUNIOSA

Ayon naman kay Matty, na-caught off guard sila sa pagbibiro ni DJ Rico.

“To clarify lang we were all caught off guard with the joke and I laughed not out of mockery to James but because of my disbelief na may ganung shade na joke, jokes WHICH should never be personally taken cause it doesn’t take anyone’s talent down a notch it’s all fun and games”

Sabi pa ni Matty, “plus we’re all in good terms and have high respect for each other, moreover, high respect for any artist!

Continue reading below ↓

"We all love James hahaha chill guys and I love how you, Angel Elisha, took the time to actually ask and not assume!

"Hehe that’s what it’s all about, an open mind!"

RICO ROBLES

Ngayong umaga, July 19, Biyernes, nag-tweet si DJ Rico at ibinahagi ang screenshot ng message niya kina James at Nadine, kung saan nagpaliwanag siya tungkol sa isyu.

Continue reading below ↓

Sabi ni DJ Rico sa mensahe niya sa JaDine: “was hosting in a comedic way to get the crowd going, but it was never meant to shade you guys or anyone, again, they are posting this now..

"so messaging you guys ahead to tell you, it was not to make Fun of You.. people took it off context"

Base sa mga sagot nina James at Nadine, pareho raw nilang napanood ang video pero hindi sila nainsulto, bagkus ay natawa rin sila.

Bahagi pa ng mensahe ni James kay Rico: “I laughed so hard. It’s cool they’ll get over in in a couple days don’t sweat it”

Continue reading below ↓

Sa kanyang tweet, sinabi ni DJ Rico na patuloy na suportahan sina James at Nadine na sinusuportahan din niya sa simula pa lang.

Continue reading below ↓

Magkahalo rin ang reaksiyon ng netizens dito.

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Idol Philippines contestants Lance Busa (far left) and Matty Juniosa (second right) and radio disc Jockey Rico Robles (second from right) are now under fire for allegedly making fun of James Reid (extreme right).
PHOTO/S: ABS-CBN / Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results