Liza Diño posts FDCP statement on its allegedly "invalid, unconstitutional" film-screening rules 

by Rachelle Siazon
Jul 19, 2019
On Thursday night, July 18, FDCP Chair Liza Diño issues her agency's official statement on cinema owners filing a legal complaint about the "invalidity and unconstitutionality of FDCP Memorandum Circular No. 2019-01." FDCP maintains that the said memo aims to address "existing gaps" in the theatrical distribution of films.
PHOTO/S: Noel Orsal / PEP File

Naglabas na ng opisyal na pahayag ang pamunuan ng Film Development Council of the Philippines (FPCP) matapos itong sampahan ng reklamo ng cinema owners dahil sa diumano'y maling pagsaklaw nito sa pagpapalabas ng mga pelikula sa sinehan.

Kaugnay ito ng inilabas ng FDCP na Memorandum Circular No. 2019-01—o Policies and Guidelines on the Theatrical Release of Films in Philippine Cinemas.

Mariing inalmahan ng cinema owners ang diumano'y "unconstitutional, invalid, at unauthorized" na pakikialam ng FDCP sa kung gaano katagal ipalalabas ang isang pelikula, pagbabawal ng split-screening, at pag-set ng ticket prices sa isang pelikula.

Sa kanyang Facebook account nitong Huwebes ng gabi, July 18, ibinahagi ni FDCP Chair Liza Diño ang official statement ng kanilang pamunuan hinggil sa isyu.

Ang kabuuang pahayag ng FDCP (published as is):

"The FDCP is refraining from releasing any further statements at this time in relation to the reports of a case being filed against the Agency by the Cinema Exhibitors Association of The Philippines until we get the official summons from the court and review the case.

Continue reading below ↓

"What we maintain is that the Agency's release of FDCP Memorandum Circular 2019-01 (Policies and Guidelines on the Theatrical Release of Films in Philippine Cinemas) is line with our objective to address the existing gaps as presented by all sectors of the industry involved in the theatrical distribution of films and to create clear, balanced, and transparent guidelines beneficial to its stakeholders.

"We will plan for a course of action once we have received the official documents.

"Meanwhile, we are continuing to work with our stakeholders for our programs for the local film industry."

Continue reading below ↓

FDCP'S MEMO FOR FILM SCREENINGS

Isa sa pangunahing polisiya sa Memorandum Circular ng FDCP ang "guaranteed" three-day screening at "minimum run" na seven days ng mga pelikula.

Nakapaloob din sa memo na maituturing lamang na "extreme case" ang isang pelikulang maaaring i-pull out sa mga sinehan kung ito ay may "zero to less than the expected turnout of the audience."

Ipinagbabawal din ng FDCP ang "split screening" o paghahati ng mga ipinapalabas na pelikula sa sinehan sa "first three days" ng showing nito.

Sabi rin sa memo, "An equitable ratio between Filipino films and foreign films must be observed in applicable scenarios every playdate except in cases where a National Film Festival is held in support of the local industry e.g. Pista ng Pelikulang Pilipino, Metro Manila Film Festival, etc."

Dito rin ipinatupad ng FDCP ang polisiyang gawing Friday ang first-day showing ng mga pelikula, maliban na lang kung may ibang kasunduan ang exhibitor at distributor na "for a good cause."

Continue reading below ↓

Ayon pa rin sa memo ng FDCP, ang bagong policies ng kanilang ahensiya ay alinsunod sa probisyon ng Republic Act 9167.

Ang batas na ito ay may titulong "An Act Creating The Film Development Council of The Philippines, Definining Its Powers and Functions, Appropriating Funds Therefore, and For Other Purposes."

Saad sa memo ng FDCP: "Sections 3.4 and 3.6 of RA 9167 include among the powers and functions of FDCP to 'encourage and undertake activities that will promote the growth and development of the local film industry' and 'prescribe the procedures for the exercise of its powers and functions as well as the performance of its duties and responsibilities' respectively."

CINEMA OWNERS' COMPLAINT

Mariing tinutulan ng asosasyon ng cinema owners, o Cinema Exhibitors Association of the Philippines (CEAP), na nasa mandato ng FDCP ang pagsaklaw sa business operations ng cinema owners.

Base ito sa ipinasa nilang sinumpaang salaysay sa Quezon City Regional Trial Court noong July 8, 2019.

Continue reading below ↓

Patunay raw nito ang kalakip ng reklamo nila sa korte na Minutes of the Meeting ng Senado at Kongreso, nang isabatas ang pagbuo sa FDCP noong 2002.

Ayon sa CEAP, malinaw sa usapan ng mga mambabatas na ang mandato ng FDCP ay may kinalaman lamang sa paggawa ng pelikula at hindi sa pagpapalabas nito sa mga sinehan.

Tugma raw ito sa mismong probisyon ng RA 9167 na nag-atas sa FDCP na bumuo ng Cinema Evaluation System o paggrado sa mga pelikula upang ang mga may mataas na marka ay mabigyan ng "incentives" o pag-awas ng kanilang binabayarang buwis.

Sinabi rin ng CEAP na kasama sa mandato ng FDCP ang pag-organisa ng film festivals at pag-promote ng mga programang magpapakita ng Filipino talents and skills.

Pero wala raw nabanggit sa RA 9167 na saklaw rin ng FDCP ang pagpapatupad ng film-screening rules.

"A reading of the provisions of RA 9167 would show that there is nothing related to exhibition of films in cinemas.

Continue reading below ↓

"Thus the general phrase in the list of Respondent's functions, referring to 'other functions' cannot be interpreted to include the power to regulate the operation of cinemas or movie theaters."

ALLEGED WRONGFUL INTERPRETATION OF FDCP FUNCTIONS

Alinsunod daw ito sa "principle of ejusdem generis" na tumutukoy sa kung paano ini-interpret ang mga salitang ginamit sa isang batas.

Paliwanag pa ng CEAP, base pa rin sa kanilang sinumpaang salaysay:

"Under such principle, where general words follow an enumeration of persons or things by words of a particular and specific meaning, such general words are not to be construed in their widest extent, but are to be held as applying only to persons or things of the same kind or class as those specifically mentioned."

Bunsod nito, umapela ang CEAP sa korte na ideklarang "invalid" at "unconstitutional" ang FDCP Memorandum Circular 2019-01.

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
On Thursday night, July 18, FDCP Chair Liza Diño issues her agency's official statement on cinema owners filing a legal complaint about the "invalidity and unconstitutionality of FDCP Memorandum Circular No. 2019-01." FDCP maintains that the said memo aims to address "existing gaps" in the theatrical distribution of films.
PHOTO/S: Noel Orsal / PEP File
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results