Naging emosyunal si Regine Velasquez dahil sa Lifetime Achievement award na na-receive niya mula sa MOR Pinoy Music Awards. Aniya, naalala raw kasi niya ang kanyang namayapang ama na si Mang Gerry Velasquez.
Samantala, nagbigay siya ng komento sa pagsampa niya ng isang taon bilang isang Kapamilya. Nung isang taon ay lumipat si Regine sa ABS-CBN mula sa pagiging GMA-7 artist.
Nagkuwento rin siya ng experience niya bilang isa sa mga judge ng Idol Philippines, at nagbahagi ng madalas niyang ipinapayo sa mga contestant ng Idol Philippines.
Panoorin ang kanyang interview rito:
