Matagal nang pangarap ni Sunshine Cruz ang magkaroon ng pelikulang kalahok sa prestihiyosong Cinemalaya film festival, na nagdiriwang ng ika-15 anniversary ngayong taon.
Nakapagtataka nga na sa tagal niya sa industriya ay hindi siya nabigyan ng pagkakataong matupad itong “bucket list” wish niya na ito.
Pero ngayong taon, sa wakas ay natupad na rin ang long-time dream ni Sunshine sa pamamagitan ng indie film na Malamaya (The Color of Ash).
“Aba’y hindi ko nga alam bakit hindi ako ino-offer-an,” umpisang bulalas ni Sunshine.
“Since nagbalik ako ng pag-aartista, walang offer.
“Hindi ko matandaan. Wala, basta.
“Dream ko noon pa, sabi ko nung 2013, nung nagbalik-artista ako, ‘Ano ba yang Cinemalaya na yan? Bakit parang wala naman akong offer?’
“Nakikita ko lagi yan sa Facebook ni Mell Navarro [showbiz reporter at advocate ng indie films]. ‘Bakit lahat ng artista nagsi-Cinemalaya? Bakit ako hindi?’
“Parang ganun.”
Makalipas ang anim na taon mula noong showbiz comeback niya ay nagbunga na ang kanyang matagal nang ipinagdarasal.
“My manager called me and told me that I have a Cinemalaya movie.
“Hindi ko pa nga natatanggap yung script, nag-yes na ako.”
Talent ni Arnold Vegafria si Sunshine.
“Siyempre, na-check ko na sa bucket list ko yung isa sa mga pangarap ko.
“And no regrets at all, na kung magsi-Cinemalaya man ako sa 15th anniversary pa ng Cinemalaya.
“And I have great directors, mga bago man pero ang gagagaling.
“And I have wonderful producers: si Sir Albert [Almendralejo] and Arnold Vegafria,” pagmamalaki niya.
Sa Malamaya ay gaganap si Sunshine bilang si Nora; kasama niya sina Enzo Pineda bilang Migs at si Raymong Bagatsing bilang si Jim.
Nakausap namin si Sunshine sa presscon ng Malamaya nitong nakaraang Martes, July 16, sa Annabel’s restaurant sa T. Morato Ave., Quezon City.
Sa direksyon nina Danica Sta. Lucia at Leilani Chavez, ang Malamaya ay entry sa 15th Cinemalaya Philippine Independent Film Festival 2019 ng Spears Films (ni Albert Almendralejo), ALV Films (ni Arnold Vegafria) at Cine Likha.
Gaganapin ang Cinemalaya mula August 2 hanggang 14 sa Cultural Center Of The Philippines; may Gala Night ang Malamaya sa August 6 at commercial run naman nito simula August 14.
MOST DARING FILM?
Ang Malamaya ba ang pinaka-daring na pelikula ni Sunshine?
“Well, iyon ang dapat nilang panoorin kasi people are comparing this nga to what I did nung '90s.
“Pero I think hindi na lang muna ako magsasalita pagdating diyan.
“Hindi ko puwedeng makumpara, basta panoorin nila and then balikan nila ako.”
NO WEDDING PLANS YET
Hindi tumakbo itong nakaraang eleksyon ang boyfriend ni Sunshine na si Macky Mathay.
“Support lang siya kay Mayor Francis Zamora.
“He’s working now for Mayor Francis.”
Si Francis ang bagong halal na mayor ng San Juan City.
Paano kung sa eleksyon sa 2022 ay maisipan ni Macky na tumakbo?
Mabilis niyang sagot, “Bagay sa kanya!
“Kasi napaka-mabuting tao, matalino si Macky, and I’ll be supporting him all the way.”
Mrs. Mathay na kaya siya bago dumating ang susunod na eleksyon?
“Naku!
“Kaka-annul ko pa lang and I don’t… in God’s time, in God’s time.
“Let’s wait and see na lang muna.
“But for now, kung ano man yung estado namin ngayon, at kung ano yung meron ako sa buhay ko, wala naman akong mahihiling pa for now,” saad niya.
Ano ang pinakagusto niya kay Macky?
Lahad niya, “Naiintindihan niya ako, pareho kaming mag-isip.
“Kung ano yung iniisip ko, bago ko pa sabihin sa kanya, iyon na rin ang iniisip niya.”
THANKFUL FOR PROJECTS
Naniniwala si Sunshine sa pangalawang glorya.
Pagsang-ayon niya, “Yes! For me yes.
“Hindi lang sa lovelife, ha? Kundi pati sa career.
“Saan ka naman nakakita, forty-two years old, ang daming projects, di ba?
“Apat yung pelikulang ginagawa ko.
“I have two seryes, I’m doing The Heiress for Regal Films, with Maricel Soriano and Janella Salvador, and Malamaya.”