Andrea Torres still loveless but admits dating

by Rommel Gonzales
Jul 20, 2019
Andrea Torres on what she looks for in the guys she dates: “Ano naman ako, kumbaga kung talagang nakikita kong may parang spark, ganyan, then tsaka ko lang tina-try.”
PHOTO/S: Noel Orsal

Pagkatapos ng Victor Magtanggol at bago sumabak sa The Better Woman, halos tatlong buwang nabakante si Andrea Torres.

Noong mga panahong iyon, ang pagwu-workout daw sa gym ang pinagkaabalahan niya.

Saad niya, “Iyon kasi ang mga mahirap na gawin madalas kapag nagsu-soap ka—gym, travel, spend time with family.”

Nagbakasyon si Andrea sa Maldives kasama ang mother niya.

Loveless si Andrea, at sa tanong kung sino ang huli niyang karelasyon, sabi niya, “Hindi ko maalala po.

Matagal na po, e.

Hindi ako mabilis… mahirap ako magkagusto sa isang tao because gusto ko always, long-term.

Gusto ko serious, long term, ayokong pumapasok sa bagay na hindi ako fully committed.”

Nami-miss ba ni Andrea ang feeling na may karelasyon?

Pakli niya, “Hindi naman, hindi naman.

Feeling ko kasi lahat ng nangyayari sa iyo, meant to happen.”

DATING

Inamin naman ni Andrea na nakikipag-date siya.

Continue reading below ↓

Tinanong namin siya kung taga-showbiz ba ang date niya.

Iba-iba,” at tumawa ang seksing Kapuso actress.

Sino yung taga-showbiz?

Huwag na nating i-specify,” pakiusap niya.

Sa pakikpag-date niya, pipili ba siya kung sino ang the best?

Paglinaw niya, “Hindi, ako naman kapag nakikipag-date, hindi naman yung marami.

Ano ba yung sinasabi nila? Collect and select? Hindi naman ako ganun.

“Ano naman ako, kumbaga kung talagang nakikita kong may parang spark, ganyan, then tsaka ko lang tina-try.”

So ang dine-date niya ngayon ay nakitaan niya ng spark?

Tugon niya, “Hindi. Ngayon po hindi ako nakakalabas ngayon, e.

Kasi nga, grabe po taping namin dito sa The Better Woman.

Kung grabe yung taping schedule ko before, mas ngayon.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Andrea sa Prime Hotel nitong June 27 sa mediacon ng The Better Woman sa South Triangle, Quezon, City.

Continue reading below ↓

WORKING WITH DEREK

Si Derek Ramsay ang kapareha ni Andrea sa The Better Woman ng GMA.

Wala ba siyang nakitang spark kay Derek?

Pakli niya, “Natutuwa po ako dahil sabi nila may instant chemistry.”

Siya mismo, may naramdaman ba siyang spark or chemistry nila ni Derek? Lalo pa nga at may mga intimate scenes ila ni Derek sa show.

Sabi nila pag puyat daw nakukuryente,” at tumawa si Andrea.

Ano ang mga nadiskubre niya kay Derek?

Very ano siya, madali siyang pakisamahan. Iisipin mo kasi dahil big star parang…

Mabait talaga siya. Kahit sino kinakausap.

Mabilis kang dadaldal sa kanya kasi nga hindi mo mapi-feel na may ere siya.”

Pareho silang gym buff ni Derek pero hindi sila nagwu-workout nang sabay.

Hindi ko kayang sabayan yung mga ginagawa niya.

Nakikita ko sa IG ang bibigat ng mga ano niya, e.”

Kambal ang papel ni Andrea sa The Better Woman.

Continue reading below ↓

Lahad niya, “Mahirap din po pero masaya naman, enjoy, din.

Kasi parang may breather ka. Minsan nagdadrama ka pero minsan nagtataray ka rin.”

HONORED TO WORK WITH JACLYN

Honored si Andrea na si Jaclyn Jose ang gumaganap na nanay niya sa The Better Woman.

Si Tita Jane po kasi, parang second mom ang pakiramdam ko sa kanya, e.

Pang-third time na po namin na nag-work.

“'Tapos, nakaka-heart-to-heart ko rin siya, so nung nalaman ko na siya yung mommy ko dito, natuwa talaga ako.

Kasi parang, 'Ay, napadali nang sobra!'”

Magaganda ang sinasabi ni Jaclyn tungkol kay Andrea.

Wow!

Importante actually sa akin yung feedback niya.

Lagi ko siyang tinatanong, 'tapos very generous din naman siya.

Kasi siyempre, alam na niya yung iba-ibang ways ng pag-attack ng eksena, 'tapos Cannes Best Actress.

So minsan, may mga suggestion siya sa akin na hindi common na pag-atake ng eksena.”

Continue reading below ↓

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Andrea Torres on what she looks for in the guys she dates: “Ano naman ako, kumbaga kung talagang nakikita kong may parang spark, ganyan, then tsaka ko lang tina-try.”
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results