Gazini Ganados supports Catriona Gray amid body-shaming issue

by Nikko Tuazon
Jul 21, 2019
Miss Universe Philippines 2019 Gazini Ganados shares inspiring message to people who have experienced body shaming: "I want them to know that they are enough, they are loved. They should know that they don't need the validation of other people."
PHOTO/S: @gazinii / @catriona_gray on Instagram

Buo ang suporta ni Miss Universe Philippines 2019 Gazini Ganados kay Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kalagitnaan ng body-shaming issue na kinasangkutan nito.

Noong July 4, inulan ng batikos ang Miss Grand International 2019 na si Coco Arayha Suparurk dahil ni-repost ng Thai beauty queen ang isang meme kunsaan pinagkumpara sina Catriona at ang Miss Grand International 2018 na si Clara Sosa mula sa Paraguay.

Sa picture, makikita ang caption na "FIT" kay Sosa, habang "FAT" naman ang nakalagay kay Catriona.

Sa kanyang panayam sa Thai press matapos koronahan bilang Miss Grand International 2019, sinabi ni Coco na hihingi lang siya ng tawad kung si Catriona mismo ang magme-message sa kanya.

Tiwala naman si Gazini na hindi maaapektuhan si Catriona ng insidenteng ito.

Sa panayam nito sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa isang event nitong nakaraang Huwebes, July 18, sabi ni Gazini, "I'm pretty sure Catriona is not affected by it because even in Binibini, we've experienced body shaming already.

Continue reading below ↓

"The only difference is it's not internationally broadcasted. Pero so far, I guess everything's fine."

Hindi rin pabor si Gazini sa kahit anong uri ng body shaming o bullying lalo't na-experience niya rin ito noong sumali siya sa Bb. Pilipinas.

Kuwento ni Gazini, "I'm not for body shaming because it can cause depression and anxiety to a person."

Dagdag pa ng 23-year-old beauty queen, "It was painful but as for my part, I turned the criticism into motivation."

"I took it as a constructive criticism."

May magandang mensahe naman si Gazini na nais iparating sa mga gaya niyang naka-experience ng body shaming.

Aniya, "I want them to know that they are enough, they are loved.

"They should know that they don't need the validation of other people.

"Just do what you want and everything else will follow."

Payo naman nito sa mga taong hindi mapigilang maglahad ng negatibong komento sa kapwa, "Let's all remember that everyone has feelings and let's just be cautious with everything we say."

Continue reading below ↓

MISS UNIVERSE PREPARATIONS

Samantala, kinumusta rin ng PEP.ph ang mga paghandang ginagawa ni Gazini para sa Miss Universe pageant.

Inasahang sa darating na December gagawin ang grand coronation night ng Miss Universe 2019 kung saan ipapasa ni Catriona ang kanyang corona.

Ayon kay Gazini, paunti-unti pa lang ang paghahandang ginagawa nito at ng kanyang pageant training camp na Kagandahang Flores.

Continue reading below ↓

Pahayag nito, "Wala pang training as of now kasi we're all busy with our events.

"Actually, nasingit ko lang 'to."

Patuloy pa ni Gazini, "I'm preparing through dieting, exercise, and through social awareness."

Nitong nakaraang linggo, kumalat din sa social media ang litrato ni Gazini kasama ang Miss Universe Philippines creative director na si Jonas Gaffud.

Dahil dito, naging maugong din ang balitang maaari siyang mag-train kay Jonas para sa Miss Universe pageant.

Ngunit ayon kay Gazini, "That, we're still taking into consideration pero we will wait for the announcements."

Continue reading below ↓
Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Miss Universe Philippines 2019 Gazini Ganados shares inspiring message to people who have experienced body shaming: "I want them to know that they are enough, they are loved. They should know that they don't need the validation of other people."
PHOTO/S: @gazinii / @catriona_gray on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results