Rayver Cruz labels relationship with Janine Gutierrez "intense dating stage"

by Rommel Gonzales
Jul 21, 2019
Rayver Cruz describes his relationship with rumored girlfriend Janine Gutierrez as "intense dating stage."
PHOTO/S: Noel Orsal

Kaedad lamang ni Rayver Cruz ang direktor nila sa Hanggang Sa Dulo Ng Buhay Ko na si Jorron Lee Monroy.

Lately ko lang din nalaman.

Kasi naka-work ko si Direk Jorron din sa Asawa Ko, Karibal Ko, kaya nga sabi ko, ‘Nice Direk, kasi at least nagkatrabaho na tayo.’”

Ayos lang kay Rayver na ang direktor niya ay kaedad niya.

Yeah! Kasi ano, for me different era na, e.

So parang iba rin yung atake ng mga parang, millennial directors, so excited din kami na makita kung papaano niya aatakihin yung buong show.

And yun nga, totoo yung sabi niya na kahit na kunyari, minsan nakakapagod, marami kayong tine-take, gusto mong mag-taping agad kasi alam mong may iba siyang style na gagawin, di ba?

And yun, nakakatuwa lang din na magkakasing-edad kami, mas parang tropa yung dating.

Hindi kayo maiilang na, ‘Direk, ano bang gusto mong gawin ko dito?’

Continue reading below ↓

Di ba?

Kasi nung una, sabi niya, pino-po ko pa siya, ‘Direk, ano po…’

Sabi niya, ‘Hindi, bro… Ray, twenty-ano lang ako.’

Magkasing-edad lang pala kami.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Rayver sa presscon ng Hanggang Sa Dulo Ng Buhay Ko noong July 8, sa Studio 4 ng GMA Network Center.

Male lead dito si Rayver bilang si Matteo at female lead stars naman sina Kris Bernal (as Naomi) at Megan Young (as Yvie).

Mapapanood simula July 22 sa GMA Afternoon Prime, kasama rin sa Hanggang Sa Dulo Ng Buhay Ko sina Kim Domingo as Katya, Ms. Boots Anson Roa as Adora, Sharmaine Arnaiz as Tina, Francine Prieto as Mercy, Beverly Salviejo as Yaya Vane, Denise Barbacena as Brooke, Analyn Barro as Tyra, Joaquin Manansala as Paul, at Euwenn Mikael Aleta as Santino.

“INTENSE DATING STAGE”

Kinumusta namin ang love life ni Rayver.

Continue reading below ↓

Pakli niya, “Eto, happy ako. Di ba, kita naman?”

Official na ba? May relasyon na ba sila ni Janine?

Tugon niya, “Ganun pa rin naman.”

Matagal na silang nasa dating stage ni Janine. Kailan ba sila aaming sila na?

Hirit niya, “Sabi kasi nila pag mas matagal mas maganda, mas matamis yung oo.”

Ang kapatid ni Rayver na si Rodjun Cruz at girlfriend nitong si Dianne Medina ay mahigit sampung taong nagkarelasyon bago nagpakasal.

Depensa ni Rayver, “E, kanya-kanyang style yan, e.

In the right moment siguro, pag naramdaman na ni Janine na sagutin ako.”

TRAVELS WITH JANINE

May nagbanggit na wala pang sagutan pero nangingibang-bansa na sila.

Saad niya, “Pag intense na kasi yung dating niyo, puwede ka nang sumama sa family 'tapos maki-join sa out-of-the country nila.”

Pero nagbigay ng paglilinaw si Rayver bilang sagot sa mga nagtanong.

Continue reading below ↓

Sa mga travels nila ay never silang nag-stay ni Janine sa iisang kuwarto na silang dalawa lang at never rin silang bumiyahe sa ibang bansa ng silang dalawa lang.

Diin niya, “Hindi puwede, bawal po yung ganyan.”

Lagi rin daw lang siyang “nakikisabit” sa trips nina Janine at ng pamilya ng dalaga.

Last Christmas ay magkakasama sila sa Amerika ni Janine at ang ama ni Janine na si Ramon Christopher at mga kapatid na sina Jessica, Diego at Maxine Gutierrez.

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Rayver Cruz describes his relationship with rumored girlfriend Janine Gutierrez as "intense dating stage."
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results