Herbert Bautista joins Ricky Lee scriptwriting workshop

by Melba R. Llanera
Jul 21, 2019
Former Quezon City Mayor is proud to be one of the participants in Ricky Lee's ongoing scriptwriting workshop: “Aral tayo para di naman nakakahiya."

Ngayong balik-showbiz na si Herbert Bautista pagkatapos ng termino niya bilang alkalde ng Quezon City at dahil magbabalik-pelikula na rin si Kris Aquino sa 2019 Metro Manila Film Festival sa pelikulang Kampon, marami ang nag-aabang kung nay chance na magkasama sa isang pelikula ang dating magkasintahan.

Sa interview ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News sa former mayor sa nakaraang 2019 Eddys Awards na ginanap sa New Frontier Theater last July 14, positibong sagot naman agad ang binigay niya sa amin.

Lahad niya, “Bakit hindi? Kailangan ko nga ng trabaho, e.”

HAPPY FOR KRIS'S MOVIE COMEBACK

Ayon naman kay Herbert, masaya siya na nagbalik-pelikula na rin uli si Kris.

Saad niya, “Ay, oo! Dapat naman.

"Dapat nasa mainstream siya and I heard mayroon siyang Metro Manila filmfest [entry].

“That's good for her.”

COMMUNICATION WITH KRIS

Tinanong din namin ang aktor kung may komunikasyon pa rin ba sila ng ex-girlfriend.

Continue reading below ↓

Tugon niya, “Hindi. Matagal na kaming di nakakapag-usap.

“Text, kumustahan? Mga ganun, hindi as frequent.”

Sa ngayon ay may movie offer nang natanggap si Herbert pero iwas muna siyang magbigay ng komento tungkol dito.

WORKSHOP WITH RICKY LEE

Nagkuwento din ang aktor na nagwu-workshop siya ngayon ng scriptwring sa pamosong manunulat na si Ricky Lee.

Pahayag niya, “May parating pero ayoko munang magsalita, baka sumabit.

“Kasama ako ngayon sa workshop ni Ricky Lee sa paggawa ng scripts.

“Aral tayo para di naman nakakahiya.

“Scriptwriter, director, whatever pero scriptwriter muna.”

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Former Quezon City Mayor is proud to be one of the participants in Ricky Lee's ongoing scriptwriting workshop: “Aral tayo para di naman nakakahiya."
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results