"Galawang Chavit" video goes viral

by Nikko Tuazon
Jul 21, 2019
Caught on video: Former Ilocos Sur governor and businessman Chavit Singson (right) fights the urge to sleep while sitting beside Miss Universe 2018 Catriona Gray (left). The two were part of Senator Manny Pacquiao's entourage for his fight against Keith Thurman.
PHOTO/S: Screengrab from PBC ON FOX on Youtube

Kasalukuyag nagba-viral ngayong hapon ang isang video ng businessman at former Ilocos Sur governor na si Chavit Singson at ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa social media.

Kasama si Chavit at Catriona sa entourage ni Senator Manny Pacquiao sa laban nito sa American boxer na si Keith Thurman nitong Sabado ng gabi, July 20 (U.S. time), na ginanap sa MGM Grand Garden Arena, Las Vegas, Nevada.

Sa 10-second video, mapapanood si Chavit at Catriona na magkatabi sa isang holding area ng MGM Grand Garden Arena habang naghihintay sa laban ni Manny.

Si Chavit ay nakapikit at mukhang taimtim na namamahinga.

Makikita rin si Catriona na busy naman na gumagamit ng kanyang smart phone.

Mapapansing dahan-dahang napapasandal si Chavit sa direksyon ni Catriona dahil marahil sa tinding antok, pero nagising siya kalaunan.

Mapapanood din ang reaksyon ni Catriona kung saan hindi nito napigilang matawa nang mapansin niyang pabagsak na sa antok si Chavit sa kanyang balikat.

Continue reading below ↓

Ang Facebook page na Senyora ang nag-upload sa Facebook ng nasabing video na umabot na sa mahigit 700,000 views at 21,700 shares, at press time.

Kuha ang video sa live streaming ng locker room ni Manny na ipinalabas sa official YouTube channel ng PBC ON FOX.

Samu't saring reaksyon ang natanggap ni Chavit mula sa mga netizens dahil sa video.

Continue reading below ↓

Sa Twitter, may mangilan-ngilang hindi natuwa sa nangyari habang ang iba naman ay idinaan na lang sa biro ang kanilang reaksyon nang mapanood ang video.

Continue reading below ↓

Continue reading below ↓

Continue reading below ↓

Si Chavit ang president at chairman ng LCS Group of Companies na isa sa major sponsors ng Miss Universe pageant mula noong itinanghal ito sa bansa noong 2017.

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Caught on video: Former Ilocos Sur governor and businessman Chavit Singson (right) fights the urge to sleep while sitting beside Miss Universe 2018 Catriona Gray (left). The two were part of Senator Manny Pacquiao's entourage for his fight against Keith Thurman.
PHOTO/S: Screengrab from PBC ON FOX on Youtube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results