Bea Alonzo posts cryptic message on Instagram; fuels rumors of breakup with Gerald Anderson

by Nikko Tuazon
Jul 21, 2019
On Sunday night, July 21, Bea Alonzo posted a cryptic message on Instagram, sparking rumors that she has broken up with boyfriend Gerald Anderson for the second time.
PHOTO/S: @thessgubi on Instagram

Maugong sa social media ngayon ang isyung ilang linggo nang magkahiwalay ang reel-turned-real life couple na sina Bea Alonzo at Gerald Anderson.

Ngayong gabi, July 21, isang cryptic message ang ibinahagi ni Bea sa kanyang Instagram account na tila tungkol sa hiwalayan nila ni Gerald.

Isang black picture ang in-upload ni Bea sa kanyang Instagram.

Kalakip na caption nito: "'you can’t make the same mistake twice, the second time you make it, it’s not a mistake anymore, it’s a choice'

"ENOUGH."

Continue reading below ↓

Hindi ito ang unang beses na napabalitang nag-break na sina Bea at Gerald.

Noong May 2018, nag-headline ang dalawa nang diretsahang sinabi ni Bea sa panayam nito kay MJ Felipe ng ABS-CBN News na siya ay "technically" single noong panahong iyon.

Dalawang buwan matapos nito, muling nagkabalikan sina Bea at Gerald.

Taong 2010 unang nag-date sina Bea at Gerald ngunit hindi natuloy ang kanilang relasyon.

Muling nag-date ang dalawa noong 2016.

GERALD ANDERSON AND JULIA BARRETTO SPOTTED

Napansin din ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na ni-like ni Bea ang isang Instagram post ng isang fan na may handle name na @cabrera.kath.

Bea Alonzo

Continue reading below ↓

Nakita umano ni @cabrera.kath si Gerald at ang Kapamilya actress na si Julia Barretto sa isang bar sa Bonifacio Global City.

Naging matalim din ang pasaring ng nasabing fan kay Gerald sa kanyang caption.

Ang caption ng fan: "Para sa lahat ng ngsasabi na nagssinungaling ako and naninira lang. NOPE. I'm not lying.

"And ano mkkuha ko dun? There you go! Yan nlng ipakita ko.

"Hindi lang keme friends dahil bday ni rayver. Hello.

"They went on the same car together alone and iba gestures nila.

"Tinatago man halata padin OKAY. I dont like to assume or judge pero kawawa kase and sobrng manloloko.

"I already sent a message to bea. Clearly we don't know all the details kung ano man nangyayare in their real personal life.

"Pero one thing is for sure. HE DOESN'T DESERVE BEA ALONZO!

"After everything ginawa nya. Minahal and hindi sya jinudge sa past nya sa gnwa nya sa mag bestfriend ( kimm and maja )

Continue reading below ↓

"Minahal nya padin even nung ngkamovie sila ni Pia.

"Niloko nya pero pinatawad at mas lalong nya pdin minahal.

"She even organized a surprise birthday party for him. Nakakaloka.

"Ano lahat nlng ba ng leading lady nya lalandiiin nya or jojowain nya? Ganon ba yun?

"Sabi nga nila, Once a cheater always a cheater

"I adore and love bea so much. I hope masakit man o mahirap, sana hiwalayan nya na ng tuluyan si Gerald.

"With regards to Julia B. kung ano man reason nya selfcare selflove keme bestfriend sila ng ex nya bahala sya. I don't care.

"Basta we are here for bea. We love her and she deserves better #beaalonzo #geraldanderson

"she liked my photo and posted a confirmation 'ENOUGH'"

Continue reading below ↓

Kuha ang litrato mula sa birthday party ni Rayver Cruz na ginanap sa The Palace sa Bonifacio Global City.

Sa Instagram stories ni Dianne Medina, makikita si Julia at iba pang celebrities na dumalo sa party ng aktor. Si Dianne ng fiancée ng kapatid ni Rayver na si Rodjun Cruz.

Kasama sa litrato ang kapatid ni Julia na si Dani Barretto at ang asawa nitong si Xavi Panlilio.

Makikita rin sa picture si Enchong Dee at ang girlfriend ni Rayver na si Janine Gutierrez.

Dianne Medina Julia Barretto

Continue reading below ↓

Sa hiwalay na picture, kasama naman ni Dianne si Gerald.

Dalawang Instagram accounts din ang tinag ng aktres sa picture kasama si @navarrochristina at @thisisrinanavarro.

Dianne Medina

JULIA DENIES THIRD PARTY ISSUE

Na-link si Julia kay Gerald matapos nilang gawin ang pelikulang Between Maybes na ipinalabas sa sinehan noong nakaraang May 15.

Continue reading below ↓

Sa naunang panayam ni Julia sa ABS-CBN reporter na si MJ Felipe noong June 28, mariin nitong itinanggi na si Gerald ang dahilan kung bakit naisipan nila ng dating boyfriend na si Joshua Garcia na manatili na lang bilang magkaibigan.

Pahayag nito, "No, absolutely not."

Sinuportahan din ni Joshua ang sinabi ni Julia at sinabing, "Hindi naman totoo yun. Hindi naman magagawa ni Gerald yun. Parang kuya ko na si Gerald."

Continue reading below ↓
Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
On Sunday night, July 21, Bea Alonzo posted a cryptic message on Instagram, sparking rumors that she has broken up with boyfriend Gerald Anderson for the second time.
PHOTO/S: @thessgubi on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results