Maris Racal says renewed closeness to Inigo Pascual not "for promo"

by Melba R. Llanera
Jul 21, 2019
Maris Racal (right) on renewed closeness to Inigo Pascual (left): “Kami naman ni Inigo, kung sinasabi na naging sweet lang kami for the promo, di naman yun totoo. Parang dyinu-joke na lang namin, 'Kailangan natin maging sweet ha?'"
PHOTO/S: Noel Orsal

Sa nakitang closeness at sweetness kina Maris Racal at Iñigo Pascual sa nakaraang Pista ng Pelikulang Pilipino 2019 press launch, marami ang nagsasabing malamang ay pang-promo lang ang sweetness ng dalawa.

Suspetsa ng iba, pagkatapos ipalabas ang pelikula nilang I'm Ellenya L. ay balik na naman sa cold shoulder treatment ang dalawa.

Depensa naman dito ni Maris, kung anuman ang tampo o sama ng loob niya sa kapareha ay parte na lang ng nakaraan lalo na't in good terms na sila ng rumored ex-boyfriend.

Paglinaw niya, “Kami naman ni Iñigo, kung sinasabi na naging sweet lang kami for the promo, di naman yun totoo.

“Parang dyinu-joke na lang namin, 'Kailangan natin maging sweet ha?'

“Parang humor na lang kasi naka-move on na kami sa ganung phase, e. Yung ilangan, hurt.

“Very okay na kami. Yung genuine naming friendship, naibalik na.”

Continue reading below ↓

RECOVERING FROM HEARTBREAK

Tinanong din namin kay Maris ang nabanggit niya sa interview niya sa Tonight With Boy Abunda kung saan binanggit niya na dinurog ni Iñigo ang puso niya.

Pahayag niya, “Normal naman yun sa lahat ng relationship, kung ano man ang matawag nyo sa relationship namin dati.

“Normal na masaktan, and may iba't ibang ways para maka-recover."

Dahil mukhang blooming si Maris, ano raw kaya ang naging paraan ng Kapamilya actress para maka move on at maka-recover?

“Wala, secret ko na yun kung paano.

“Lipstick lang guys, lipstick lang,” pabiro niyang hirit.

NO MORE AWKWARDNESS

Pagkukuwento nga sa amin ni Maris, nung nagkita na sila ni Iñigo pagkatapos ng magpunta ito ng US para sa international album nito ay wala na talaga silang ilangan.

Kuwento niya, “Nung nakita ko siya... first time naming nagkita, we're doing the movie.

“Two months kaming di nagkita, very long time.

Continue reading below ↓

“Wala namang awkwardness talaga, kasi from time to time, nakapag-usap na sa IG, mga kumustahan.

“Walang awkward moments.

“Kasi all of that happened last year pa. Parang yung phase na yun na di kami okay.

“Now we're really, really okay. Excited kami for the film.”

Binahagi din ni Maris kung paano niya tinext at kinongratulate si Iñigo bago ito umalis ng bansa patungong America.

“Nag-congrats ako, nag-goodluck din ako kasi siyempre mahirap yung tinatarget niyang audience, international.

“Kailangan niya talaga ng time, effort and kailangan niyang pumunta dun,” sabi niya.

LESSONS LEARNED

Tinanong din si Maris kung ano ang natutunan niya sa nangyari sa relasyon nila ni Iñigo.

Saad niya, “You don't have to broadcast everything that's happening in your life.

“Parang mas okay pag kayong dalawa lang.

“Yung situation kasi namin, medyo mahirap din yun kasi all eyes on us, marami kaming supporters.

Continue reading below ↓

“You know kailangan naming i-respect yun.”

THANKFUL FOR SUPPORT OF MARNIGO FANS

Positibo naman ang Kapamilya actress na tanggap at suportado naman ng mga MarNigo fans kung magpapareha sila ni Inigo o itatambal sila sa iba.

Pagpapasalamat niya, “I know naman na maraming nagsu-support talaga, e.

“Maraming nagsu-support genuinely kahit na hindi maging kami, kahit you know, yung typical loveteam na gusto nila for both na maging sila.

“Di naman sila pushy talaga, respect naman sila sa decisons namin.

“Naiintindihan naman nila yung different path namin.”

RESPECT FOR LOVE TEAM PARTNER

Sa nangyari sa kanila ni Iñigo, dito raw kaya na-realize ni Maris na mahirap talagang haluan ng emosyon ang trabaho partikular na ang loveteam?

Tugon niya, “Depende yun. Basta ang importante totoo ang both people sa isa't isa.

“Kung wala kayong feelings sa isa't isa, okay lang yun.

Continue reading below ↓

“Kung may feelings kayo sa isa't isa, okay din yun kasi lahat naman ng loveteam, iba't iba ang pinagdadaanan nila sa reality.

“Respeto na lang.”

MOVIE

Masaya at excited ang young actress na nakasama ang pelikula nilang I'm Ellenya L. sa 2019 Pista ng Pelikulang Pilipino entry lalo't ito pala ang kauna-unahang pelikula din ng tambalan nila ni Iñigo.

Pagmamalaki ni Maris, “Masaya. Yung movie almost two years naming ginawa yun.

“Di naman like two years talaga, we're waiting din for the right moment.

“Super blessed kami na nakasama kami sa PPP.

“Yung I'm Ellenya L., di lang siya all about the journey kung paano siya sumikat and kung paano ang craving niya sa attention ng mga tao.

“Also, naipapakita sa movie na ito yung mga characteristics ng mga millennials.

“Lahat ng mga hate ng mga elders, older people kung ano ang ayaw nila sa mga kabataan na kay Ellenya lahat.

Continue reading below ↓

“Ito yung journey kung paano niya na-realize yun—yung pagpapahalaga niya sa mga friends niya, real people sa reality other than portraying character, a fake one sa internet.”

MORE COLLABORATIONS WITH INIGO

Sa huli siniguro din ni Maris na ang I'm Ellenya L. ay hindi ang huling proyekto na pagsasamahan nila ng kapareha.

Paninigurado niya, “Hindi, hindi ako nagku-close ng doors sa MarNigo.

“If ever maging successful ito and people will ask for more projects, movies or songs, game ako.”

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Maris Racal (right) on renewed closeness to Inigo Pascual (left): “Kami naman ni Inigo, kung sinasabi na naging sweet lang kami for the promo, di naman yun totoo. Parang dyinu-joke na lang namin, 'Kailangan natin maging sweet ha?'"
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results