Joshua Garcia reacts to Bea Alonzo cryptic post amid Julia-Gerald romance rumors

by Rachelle Siazon
Jul 22, 2019
Joshua Garcia posts cryptic messages amid romance rumors involving his ex-girlfriend Julia Barretto (left) and Bea Alonzo's boyfriend Gerald Anderson (right).
PHOTO/S: PEP File

Sumang-ayon nga ba si Joshua Garcia sa patutsada ni Bea Alonzo na may hangganan ang pagtitiis sa isang pagkakamaling naulit sa ikalawang pagkakataon?

Kaugnay ito ng magkakasunod na matalinhagang mensahe ni Bea sa hinihinalang hiwalayan ng aktres at ng boyfriend nitong si Gerald Anderson dahil sa umano'y third-party issue.

Partikular na rito ang Instagram post ni Bea kahapon, July 21, na all-black ang litrato kalakip ng caption tungkol sa pinagdadaanan niyang problema.

Hindi nakaligtas sa mapanuring netizens na isa si Joshua sa madaming artistang nag-like sa post ni Bea.

Continue reading below ↓

JULIA AND GERALD SIGHTING

Hindi maiwasang maging tampok ito ng espekulasyon, lalo pa't ang ex-girlfriend ni Joshua na si Julia Barretto ang itinuturong third party diumano sa hiwalayan nina Bea at Gerald.

Dagdag pa rito ang pag-like ni Bea sa Instagram posts ng kanyang fans kunsan namataan si Gerald kasama si Julia.

Kuha ang litrato nina Gerald at Julia sa kakatapos na birthday party ng Kapuso actor na si Rayver Cruz, na kilalang malapit na kaibigan ni Gerald.

Continue reading below ↓

Malinaw na hindi kasama si Bea sa dinaluhang party na iyon ng kanyang nobyo.

Gayong dumalo roon si Julia, na leading lady ni Gerald sa Between Maybes, ang pelikula nilang ipinalabas noong May 15, 2019.

JOSHUA'S CRYPTIC REACTION

Sa parte ni Joshua, tila nagpahiwatig din ito ng reaksiyon sa kinasasangkutang kontrobersiya ng ex-girlfriend niyang si Julia at ng magkarelasyong sina Gerald at Bea.

Base sa Instagram Stories ni Joshua, dalawang matalinhagang mensahe ang kanyang ibinahagi kahapon, July 21.

Una na rito ang written text na nagpapahiwatig na tikom ang kanyang bibig sa isyu.

"I'm mute," saad ni Joshua.

Continue reading below ↓

Hindi na ito makikita sa kanyang Instagram Stories at press time.

Pero may kasunod na post si Joshua na naglalaman ng makahulugang mensahe tungkol sa moving on.

Screenshot iyon ng isang eksena mula sa Spanish television series na Money Heist.

Magkayakap ang isang babae at lalaki, at sa subtitle nito ay makikita ang mga katagang "You will move on to someone better than me."

Continue reading below ↓

JOSHUA AND JULIA'S BREAKUP

Huling linggo pa lang nitong May 2019, natunugan na ng fans ng tambalang Joshua at Julia (JoshLia) na may pinagdadaanang problema ang dalawa.

Naging laman din sila ng blind items kung saan hinulaan ng netizens na sila ang sinasabing celebrity couple na nag-iiwasan sa ginagawa nilang proyekto dahil hiwalay na sa totoong buhay.

Sila rin ang sinasabing laman ng isang blind item tungkol sa celebrity couple na naghiwalay dahil sa diumano'y third-party issues.

Noong June 1, inilunsad ng Kapamilya actress na si Erich Gonzales ang YouTube video kasama ang matalik niyang kaibigang si Julia.

Dito ay hindi diretsong makasagot si Julia nang tanungin siya ni Erich na "Are you in love right now?"

Ang tanging nasabi noon ni Julia ay mas nagkaroon siya ng pagpapahalaga sa sarili, at kapansin-pansing hindi niya nabanggit ang pangalan ni Joshua.

Hanggang sa noong June 28, naiulat ang panayam kina Joshua at Julia kung saan inamin nilang bumalik sila sa pagiging "bestest of friends."

Continue reading below ↓

Mariin ding pinabulaanan noon ni Julia na may kinalaman si Gerald sa pinagdaanang problema nila ni Joshua.

Sa hiwalay na panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong July 9, diretsahang sinabi ni Joshua na hiwalay na sila ni Julia matapos ang kanilang dalawang taong relasyon.

Pero ayon kay Joshua, maayos silang nagkausap ni Julia bago sila maghiwalay at nananatili silang magkaibigan.

BEA AND GERALD'S BREAKUP

Sa kaso nina Bea at Gerald, noong unang linggo nitong June 2019 ay may netizens na ring nagtatanong kung may pinagdadaanang problema sina Bea at Gerald.

Ito ay dahil sa panaka-nakang "emo" Instagram posts ni Bea.

Isa na rito ang ibinahagi niyang quote noong June 6 na "To love at all is to be vulnerable."

Sabi pa noon ni Bea sa comment sa kanya ni Anne Curtis, "umi-emo."

Continue reading below ↓

Bago ito ay may lumabas na ring blind item kung saan hinihinala ng netizens na sina Bea at Gerald ang unnamed celebrity couple na nauugnay sa problema ng isa pang celebrity couple.

Pero tila nadisimula noon ang espekulasyong may pinagdadaanang problema sina Bea at Gerald nang makita ang dalawang dumalo sa first birthday at christening party ng anak nina Richard Gutierrez at Sarah Lahbati, noong June 16.

Hanggang sa kahapon, July 22, naglabas na nga ng saloobin si Bea tungkol sa hinihinalang hiwalayan nila ni Gerald.

GERALD'S PREVIOUS STATEMENT

Sa parte ni Gerald, nitong July 4 lang ay pinabulaanan niya ang balitang may espesyal na ugnayan sila ni Julia.

Sinabi pa noon ni Gerald na "sanay" na siya sa kalakaran sa showbiz kung saan karaniwang nauugnay ang co-stars sa isa't isa, tulad nila ni Julia na nagkasama sa pelikulang Between Maybes.

Labas daw siya sa kung anumang pinagdadaanang problema nina Julia at Joshua.

Continue reading below ↓

Natanong din si Gerald tungkol sa plano niya sa ikatlong anibersaryo nila ni Bea ngayong Hulyo.

Sagot ni Gerald, "We'll see."

JULIA ON FALLING IN LOVE

Samantala, kamakailan lang ay nasabi ni Julia na madali siyang ma-in love at naniniwala siya sa "love at first sight."

Base ito sa masiglang pag-uusap nina Julia at Erich sa YouTube video ng huli na may petsang June 1, 2019.

Sabi noon ni Julia, "Parang when I look at a person, alam ko nang 'Oh no, may possibility na mai-in love ako dito.' Parang 'oh no!'"

Sundot ni Erich, "Or parang 'Whew! Trouble 'to.'"

Sang-ayon ni Julia, "Yeah! 'A, shucks...' Parang napo-foresee mo na yung magiging feelings mo."

Pero sinabi rin ni Julia na sa dami ng pinagdaanan niya ay marunong na siyang protektahan ang kanyang puso, dahil hindi lang daw dapat panay damdamin ang ginagamit kundi pati rin pag-iisip sa larangan ng pag-ibig.

Sina Julia, Joshua, Gerald, at Bea ay pare-parehong nasa ilalim ng Star Magic, ang talent management ng ABS-CBN.

Continue reading below ↓

Bukas ang PEP.ph sa anumang pahayag ng mga personalidad na nabanggit sa artikulong ito.

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Joshua Garcia posts cryptic messages amid romance rumors involving his ex-girlfriend Julia Barretto (left) and Bea Alonzo's boyfriend Gerald Anderson (right).
PHOTO/S: PEP File
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results