Marjorie Barretto defends Julia Barretto-Gerald Anderson sighting

by Bernie V. Franco
Jul 22, 2019
A photo of Julia Barretto and Gerald Anderson circulates online fuelling speculations of romantic involvement. Meantime, Marjorie Barretto defends daughter Julia and says the said photo was taken out of context.
PHOTO/S: Noel Orsal / @marjbarretto on Instagram

Nagsalita si Marjorie Barretto kaugnay ng kontrobersiyang nag-uugnay sa anak niyang si Julia Barretto at sa aktor na si Gerald Anderson.

Nitong Linggo, July 21, kumalat ang mga larawan nina Gerald at Julia na kuha sa birthday party ng Kapuso actor na si Rayver Cruz sa Revel Bar sa Taguig City.

Si Rayver ay matalik na kaibigan ni Gerald.

Bukod kina Gerald at Julia, kabilang sa celebrities na dumalo sa birthday party ni Rayver ay ang kapatid nitong si Rodjun Cruz at fiancée na Dianne Medina, ang kapatid ni Julia na si Dani Barretto at asawang si Xavi Panlilio, si Enchong Dee, at ang girlfriend ng birthday celebrator na si Janine Gutierrez.

Sa lahat ng mga larawang kumalat sa social media, mas nakapukaw ng pansin ang isang paparazzi shot kung saan kasama ni Gerald ang isang babae na nakatagilid sa kamera kaya hindi kita ang kabuuan ng mukha nito.

Continue reading below ↓

Ngunit base sa caption ng nag-post ng larawan, ang babaeng kasama ni Gerald noong gabing iyon ay walang iba kundi si Julia.

Kuha raw iyon sa labas ng bar at papunta umano sina Gerald at Julia sa parking lot.

Continue reading below ↓

MARJORIE BARRETTO: "THIS IS NOT A DATE."

Maraming netizens ang nagkomento sa paparazzi shot na ito nina Julia at Gerald.

Kabilang sa mga nagkomento ang mismong ina ni Julia na si Marjorie Barretto.

Inakusahan ni Marjorie na may malisya ang nag-upload ng larawan dahil sinadyang i-zoom in ito para magmukhang sina Julia at Gerald lamang ang magkasama, gayong marami raw kasama ang dalawa sa party ni Rayver.

Komento ni Marjorie, “@cabrera.kath Please explain too that this was taken at the party of Rayver. That you zoomed in this photo.

"If you care to zoom out, you Will See that they were a big group that includes my nephew.”

Diin pa ng ina ni Julia, “I dont See anything wrong with this photo. They dont seem to be hiding something.

“There are people around, and if im not mistaken, Julia was waving at something.

“This is not a date.

“They know each other, they have worked together, they are friends.”

Continue reading below ↓

Nagtambal sina Gerald at Julia sa pelikulang Between Maybes na ipinalabas noong May 2019.

Sumagot ang netizen upang pasinungalingan ang bintang ni Marjorie.

Sabi ng Instagram user na si cabrera.kathbealove, “Sorry po. Pero hndi po yan sa loob ng revel.

“Wala ndin po sila ksma dyan. Lalong hndi ko po zinoom yan.”

Continue reading below ↓

BEA ALONZO, JOSHUA GARCIA POST CRYPTIC POSTS

Nitong Linggo, July 21, nag-post ng makahulugang mensahe sa Instagram si Bea Alonzo.

Pahayag ng aktres: "'you can’t make the same mistake twice, the second time you make it, it’s not a mistake anymore, it’s a choice' ENOUGH."

Continue reading below ↓

Marami ang naniniwalang ang post na ito ni Bea ay may kaugnayan sa rumored breakup nila ni Gerald.

Samantala, may recent Instagram Story ring ipinost ang ex-boyfriend ni Julia na si Joshua Garcia tungkol sa paghihiwalay.

Nito lamang June 2019, inamin nina Joshua at Julia na dumaan sa pagsubok ang kanilang relasyon.

Sinabi rin ng dalawa na balik sila sa estadong pagiging best friends.

Itinanggi rin ni Julia ang akusasyong may namamagitan sa kanila ni Gerald.

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
A photo of Julia Barretto and Gerald Anderson circulates online fuelling speculations of romantic involvement. Meantime, Marjorie Barretto defends daughter Julia and says the said photo was taken out of context.
PHOTO/S: Noel Orsal / @marjbarretto on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results