Yeng Constantino apologizes for shaming Siargao doctor; deletes controversial vlog

by Rachelle Siazon
Jul 22, 2019
Yeng Constantino says there is "no excuse" for airing her grievances against a doctor in Siargao via social media.
PHOTO/S: @yeng Instagram

Burado na ang YouTube video ni Yeng Constantino kunsaan inireklamo niya ang diumano'y kawalan ng emergency preparedness at insensitive remarks ng isang doktor sa Dapa District Hospital sa Siargao, Surigao del Norte.

Kaugnay ito ng naranasang temporary memory loss ng asawa niyang si Yan Asuncion matapos itong tumalon sa isang cliff-diving spot sa Siargao kamakailan.

Kagabi, July 22, hiningan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ng opisyal na pahayag si Yeng tungkol sa pag-alma ng isa sa medical students na nakasaksi sa pagresponde ng doktorang sumuri sa medical condition ni Yan.

Hiningan din namin ng komento si Yeng tungkol sa pagsang-ayon ng netizens sa medical student na hindi na dapat ipinahiya ni Yeng ang doktorang sumuri kay Yan.

Kaugnay ito ng paglantad ni Yeng sa kanyang vlog ng pangalan at larawan ng doktora.

Sa pamamagitan ng Cornerstone Talent Management, natanggap ng PEP.ph ang opisyal na pahayag ni Yeng hinggil sa isyu bago mag-alas onse ng gabi ng July 22.

Continue reading below ↓

Ibinahagi rin ito ni Yeng sa sarili niyang Facebook post.

Dito ay sinabi ni Yeng na humihingi siya ng dispensa sa anumang sakit na naidulot niya sa sumuring doktor kay Yan, si Dr. Esterlina Tan, at ibang staff ng Dapa District Hospital kunsaan isinugod si Yan.

Nadala lang daw ang Kapamilya singer sa kanyang emosyon dahil sa lubhang pag-aalala sa kalagayan ng asawang si Yan.

Ang buong pahayag ni Yeng [published as is]:

"Regarding the Siargao incident, yung mga recent posts ko was brought about by my high emotions dahil sa nangyari sa aking asawa whose life at that time I thought was in grave danger.

"Pagkatapos kong kausapin ang mga taong malapit sa akin I realized I should have been more responsible in my posts.

"I would like to apologize to Dr. Esterlina Tan and the other medical staff for the hurt that my post and vlog has caused them.

Continue reading below ↓

"Whatever concerns I had should have been coursed through the proper forum.

"It was unfair to call her out on social media and I’m taking down the posts and the vlog immediately.

"I’m deeply sorry for the hurt I caused her at sa lahat ng mga medical professionals who were affected by my posts.

"There is no excuse. I will do my best to be more responsible next time."

Bandang 8:30 P.M. ng July 22, mayroon nang mahigit one million page views at 18,000 comments mula sa netizens ang vlog ni Yeng.

As of 11 P.M. ay burado na ito.

Bukod sa kanyang YouTube video, binura na rin ni Yeng ang lahat ng kanyang Instagram posts tungkol sa insidente.

Taliwas sa salaysay ni Yeng sa kanyang vlog noong July 19, nanindigan ang medical student na nakasaksi na ginawa raw ng medical staff ng Dapa ang kanilang makakaya upang respondehan si Yan.

Continue reading below ↓

Noong nagdaang weekend, nag-trending din sa social media ang reaksiyon ng netizens na nagsabing "#notodoctorshaming" patungkol sa YouTube video ni Yeng.

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Yeng Constantino says there is "no excuse" for airing her grievances against a doctor in Siargao via social media.
PHOTO/S: @yeng Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results