Gretchen Barretto, Julia's aunt, posts message of support for Bea Alonzo

by Arniel C. Serato
Jul 23, 2019
Gretchen Barretto (left) posts message of support for Bea Alonzo (right) after the latter's rumored breakup with boyfriend Gerald Anderson. Gretchen's niece Julia Barretto is accused of being the third party.
PHOTO/S: Courtesy: @juansarte / @beaalonzo on Instagram

Nagpakita ng suporta ang ilang celebrities kay Bea Alonzo matapos pumutok ang balitang hiwalay na diumano sila ni Gerald Anderson.

Lalo pang uminit ang rumored breakup nila nang mag-post si Bea ng isang cryptic message sa Instagram noong July 21, Linggo, kung saan tila may mensahe ito tungkol sa pangangaliwa.

Sabi ng Kapamilya actress sa caption: “you can’t make the same mistake twice, the second time you make it, it’s not a mistake anymore, it’s a choice. ENOUGH”

Continue reading below ↓

Kaagad na nagkomento rito ang kaibigan at kapwa Star Magic artist ni Bea na si Angelica Panganiban.

Nakalagay sa komento ni Angelica ang “beating pink heart” emoji.

Kasunod nito, nagpaabot naman ng mensahe kay Bea si Kris Aquino.

Sabi ng TV host-actress: “I had to check on you.

Continue reading below ↓

“Thank you for replying. i’m your Ate for life who will always love you & care about you.”

Sagot ni Bea, “@krisaquino thanks ate.”

Continue reading below ↓

GRETCHEN BARRETTO SIDES WITH BEA?

Ngunit ang nakapukaw nang husto ng atensiyon ng publiko ay ang komento ni Gretchen Barretto sa post ni Bea.

Si Gretchen ay tiyahin ni Julia Barretto, anak ng nakababatang kapatid ni Gretchen na si Marjorie Barretto.

Dawit sa isyu si Julia dahil siya ang pinaghihinalaang third party sa hiwalayan nina Bea at Gerald.

Sabi ni Grecthen sa kanyang komento para kay Bea: “I love you my dearest one [prayer hands, kiss mark, and heart emojis].”

Continue reading below ↓

Nagkasama sina Gretchen at Bea sa ABS-CBN primetime series na Magkaribal noong 2010.

OTHER CELEBS

Bukod kina Angelica, Kris, at Gretchen, nagkomento rin sa cryptic post ni Bea sina Dawn Zulueta, Loisa Andalio, China Cojuangco, Andrea Brillantes, Tim Yap, at Isabel Oli.

Nagpaabot sila ng suporta sa Kapamilya actress na tila may pinagdadaanan kaugnay ng relasyon nila ni Gerald.

Continue reading below ↓

Continue reading below ↓

Continue reading below ↓

Dalawang beses nang napabalitang naghiwalay sina Bea at Gerald simula nang sila ay magkabalikan.

Una ay noong 2018 kung saan maugong ang balitang nagli-link kay Gerald sa co-star niya sa pelikulang My Perfect You na si Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach.

At itong huli naman ay ang pagkaka-link ng aktor kay Julia, na nakapareha niya sa pelikulang Between Maybes (2019).

Continue reading below ↓

Wala pang direktang pahayag sina Bea, Gerald, at Julia tungkol sa isyung ito.

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Gretchen Barretto (left) posts message of support for Bea Alonzo (right) after the latter's rumored breakup with boyfriend Gerald Anderson. Gretchen's niece Julia Barretto is accused of being the third party.
PHOTO/S: Courtesy: @juansarte / @beaalonzo on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results