Grab PH draws flak for using Gerald Anderson issue to promote its services

by Erwin Santiago
Jul 23, 2019
PHOTO/S: Noel Orsal / Twitter

Umani ng batikos ang Twitter post ng Grab Philippines kung saan sinakyan nila ang kontrobersiyang kinasasangkutan ng aktor na si Gerald Anderson.

Ngayong Martes, July 23, mabilis na kumalat sa social media ang Twitter post na ito ng Grab Philippines:

"Walang kailangang maiwan. Walang kailangang masaktan.

"Sa GrabCar 6-seater, pwedeng magsabay-sabay."

Kalakip ng mensaheng ito ang larawan ng anim na female celebrities: sina Bea Alonzo, Sarah Geronimo, Kim Chiu, Maja Salvador, Julia Barretto, at Miss Universe Philippines 2015 Pia Wurtzbach.

Continue reading below ↓

Hindi man nabanggit ang pangalan ni Gerald, malinaw na ang pinatutungkulan ng post ng Grab Philippines ay ang mga babaeng naugnay sa Kapamilya actor.

Mainit na usapin kasi ngayon ang rumored breakup nina Gerald at Bea, at ang pagkaka-link ng aktor kay Julia.

Sina Kim at Maja ay ex-girlfriends ni Gerald, habang sina Sarah at Pia ay na-link din romantically sa aktor.

Negatibo ang dating ng post na ito para sa maraming netizens, kung saan binatikos nila ang Grab Philippines sa paggamit sa isyu upang i-promote ang kanilang serbisyo.

Ilang sandali matapos maging viral ang post na ito, kaagad na binura ng Grab Philippines ang naunang post kasunod ng paglalabas ng statement upang humingi ng paumanhin.

Pahayag ng transportation network company:

"We apologize for running the light! We were in now way encouraging nor condoning disrespect for women and disrespect within relationships.

"We admire the love and loyalty that fans have for all these wonderful women.

Continue reading below ↓

"Thank you for reminding us what not to be."

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: Noel Orsal / Twitter
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results