Angelica Panganiban quashes rumored romance with Cholo Barretto

by Rachelle Siazon
Jul 23, 2019
Angelica Panganiban and Cholo Barretto finally speak up about netizens' speculations that they are dating.
PHOTO/S: @iamangelicap / @pocholobarretto Instagram

Nagsalita na si Angelica Panganiban tungkol sa espekulasyong may espesyal silang ugnayan ng kaibigan niyang si Cholo Barretto.

Sa kanyang Instagram Stories, ipinost ni Angelica ang litrato nila ni Cholo nang magkita sila kagabi, July 22.

May hawak na bote ng alak si Cholo na may brand name na "SOSPECHOSO."

Nilagyan ito ni Angelica ng caption na "Uminom ng 'SOSPECHOSO'" at "Para sa mga 'SUSPITYOSO.'"

Continue reading below ↓

Sa sumunod na litrato ay sinabi ni Angelica na "Ay sheeet Naubos namin."

Naka-tag sa parehong litrato si Cholo, na ni-repost din ang mga ito sa kanyang Instagram Stories.

Tila nagkita ang dalawa matapos mag-yoga ng Kapamilya actress.

Malinaw na pahaging nila ito sa netizens na naghinalang may namamagitan sa kanila.

Continue reading below ↓

THE PICTURES IN QUESTION

Nag-ugat ang isyu sa mga ibinahaging litrato ni Cholo kunsaan tila madikit sila ni Angelica sa isa't isa.

Kuha ang mga iyon sa pagbabakasyon nila sa Siargao kasama ang ilang mga kaibigang kapwa-Kapamilya stars na sina Zanjoe Marudo, Smokey Manaloto, at Aiko Climaco.

Tila nakasandal si Angelica kay Cholo nang kunan sila ng litrato sa pool na nasa tabing-dagat.

Continue reading below ↓

May Instagram post din si Cholo na stolen shot habang natutulog si Angelica sa isang bean bag sa tabi ng pool.

SEEMINGLY SWEET EXCHANGE

Tila nabigyang-malisya ito ng ibang netizens, lalo na nang magpalitan ng comments ang dalawa habang nasa U.S. ang Kapamilya actress.

Nangyari iyon ilang araw matapos ang kanilang bakasyon sa Siargao.

Continue reading below ↓

Comment ni Angelica sa isang Instagram post ni Pocholo: "Happy weekendsary!"

Sagot ng binata, "Happy weekendsary, pudding!!! Kamusta first day mo jan? #letskillthislove ba?"

Halatang private joke ang pinag-uusapan ng mga ito, pero nag-udyok ito upang mapatanong ang ilang netizens kung nagkakadebelopan na ba sina Angelica at Cholo.

Continue reading below ↓

Lalo pa't sa pagkakaalam ng mga sumusubaybay sa kanila ay pareho silang single ngayon.

Si Angelica ay huling naugnay sa ex-boyfriend niyang si Carlo Aquino, pero nasira ang pagkakaibigan ng dalawa nang magkaroon sila ng alitan nitong January 2019.

Huling napabalitang karelasyon ni Cholo ay si Ryza Cenon, pero naghiwalay sila noong December 2018.

STORIES WE ARE TRACKING

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Angelica Panganiban and Cholo Barretto finally speak up about netizens' speculations that they are dating.
PHOTO/S: @iamangelicap / @pocholobarretto Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results