Angelica Panganiban dismisses rumors linking her to a foreigner, Cholo Barretto

by Melba R. Llanera
Jul 24, 2019
Angelica Panganiban: "I'm not looking for someone kasi. Kung may dumating, baka sipain ko palayo."
PHOTO/S: Noel Orsal

Nilinaw ni Angelica Panganiban ang mga espekulasyong nag-uugnay sa kanya sa dalawang lalaki—isang foreigner at sa aktor na si Cholo Barretto.

Kamakailan ay kumalat sa social media ang isang larawan kung saan may kayakap na foreigner si Angelica.

Pero diin ng 32-year-old Kapamilya actress, hindi niya boyfriend ang naturang foreigner.

“Hindi ako in love,” sabi ni Angelica.

“May mga kaibigan ako na nakikilala siyempre pagka bumibiyahe ako. Wala naman sigurong masama dun.

“Saka ang mga tao talaga abroad, medyo hindi sila ganun ka-conservative.

“I mean, very expressive sila sa mga ginagawa nila, so I don't see naman any harm dun.”

Natawa naman daw si Angelica sa pagkakaugnay nila ni Cholo, na ex-boyfriend ni Ryza Cenon.

Aniya, “Oo, natawa lang ako.

“Ganun naman ang mga tao, e, malisyoso talaga ang mga tao. Kahit naman ako malisyoso ako, e.

“Di ba, puwede mong pagdudahan yun, pero ano ang gagawin ko? Anong reaction ang gagawin ko?

Continue reading below ↓

“Wala naman akong ginagawa.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News si Angelica sa story conference ng pelikulang pagsasamahan nila nila Bea Alonzo at Richard Gutierrez.

Ginanap ito sa SRI conference room ng ABS CBN noong Sabado, July 20.

NOT LOOKING FOR SOMEONE

Ayon kay Angelica, hindi niya prayoridad ang love life ngayon.

"I'm not looking for someone kasi. Kung may dumating, baka sipain ko palayo.

“Masyado akong masaya sa state ko ngayon, e, hindi ko afford na masira yung happiness ko, kumbaga, kung nasaan ako ngayon.

“Pinaghirapan kong ma-achieve yung love na mayroon ako for myself, for my happiness.

“Bigla na lang may ie-entertain akong ibang tao sa buhay ko? Baka bigla na lang masira lang uli yun.

“Kailangan ko siguro maramdaman na talagang okay na ako.

“Sobra kasing okay na ako, hindi ko kailangan ng ibang tao para magpasaya sa akin, kasi masayang-masaya na ako.

Continue reading below ↓

“Mayroon akong fear na sisirain lang yung happiness na mayroon ako ngayon pagka nagpasok pa ako ng problema sa buhay ko.”

Ang huling napabalitang nakarelasyon ni Angelica ay ang ex-boyfriend niyang si Carlo Aquino.

GOING SOLO

Sa ngayon ay ine-enjoy ni Angelica na magbiyahe, kundi man solo ay kasama ang mga mahal sa buhay. Ang pinakahuli nga ay sa Amerika.

Continue reading below ↓

"Mabuti naman sa States, ayun. Nag-ikot-ikot dun, spend time with family ulit.

“Nakakuha ng ilang days na bakasyon, so inalis ko na."

Dagdag niya, "Marami, maraming nakaplano.

“Mas masarap mas mag-invest sa sarili kasi di ka bibiguin ng sarili mo."

Matagal-tagal na rin nang huling mapanood si Angelica sa pelikula at teleserye.

Ang huli niyang pelikula ay ang Exes Baggage, katambal si Carlo Aquino, na ipinalabas noong September 26, 2018.

Habang ang huling teleserye niya ay ang Playhouse, na nagwakas noong March 2019.

Ngayon ay magsisimula siya ng pelikula kasama sina Bea Alonzo at Richard Gutierrez para sa Star Cinema.

Sabi ni Angelica, "Balik-trabaho na ako. Excited na akong magtrabaho, na-miss ko nang umarte.

“Mga pelikula ang gagawin ko this year.

“Basta sa fourth quarter ng year na ito ipapalabas yung movie.”

Balak isali sa Metro Manila Film Festival 2019 ang pelikulang kinabibilangan ni Angelica.

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Angelica Panganiban: "I'm not looking for someone kasi. Kung may dumating, baka sipain ko palayo."
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results