Bea Alonzo likes new posts related to alleged breakup with Gerald Anderson

by Rachelle Siazon
Jul 24, 2019
Bea Alonzo likes a netizen's new Instagram post showing a picture of Gerald Anderson and Julia Barretto.
PHOTO/S: @beaalonzo / @cabrera.kathbealove Instagram

Tila walang makapipigil kay Bea Alonzo sa patuloy na pagpapahiwatig tungkol sa hinihinalang hiwalayan nila ng kanyang boyfriend na si Gerald Anderson.

Kagabi, July 23, tuloy ang pag-like ni Bea sa espekulasyon ng netizens na ang breakup nila ni Gerald ay may kinalaman sa umano'y namumuong ugnayan ng aktor kay Julia Barretto.

Isa sa mga ni-like ni Bea ay ang Instagram post kunsaan makikitang nakatalikod sina Gerald at Julia na aktong naglalakad patungo sa hilera ng mga naka-park na kotse.

Ang suot na damit ng nakatalikod na babae at lalaki ay pareho ng suot na damit nina Gerald at Julia sa ibang litrato nilang kumalat sa social media.

Kaugnay pa rin ito ng insidenteng namataan ang dalawa na sabay umanong umuwi pagkatapos dumalo sa birthday party ni Rayver Cruz sa isang restobar sa Taguig City, noong Sabado, July 20.

Malinaw na legit ang pag-like ni Bea dahil kapag clinick ang pangalan nito ay mada-direct sa official Instagram account ng aktres.

Continue reading below ↓

Sa caption ng Instagram post ng netizen, nakalagay ang bahagi ng ulat ng Cabinet Files kahapon, July 23, tungkol sa umano'y nangyaring phone call sa pagitan ni Gerald at ama ni Julia na si Dennis Padilla.

Base sa source ng report, umamin daw si Gerald kay Dennis na hiwalay na sila ni Bea at nanliligaw siya diumano kay Julia.

Continue reading below ↓

BEA REPLIES TO NETIZEN'S MESSAGE

Giit ng netizen, ang pag-like ni Bea sa kanyang Instagram post ay nagpapahiwatig na updated ang aktres sa usap-usapan sa social media sa isyung hiwalay na ito at si Gerald.

"Liked again by Ate Bea [heart emoji] Don't worry Queen B. We are here for you!" sabi sa caption ng Instagram Story ng netizen.

Continue reading below ↓

Ipinakita rin ng netizen na nagpadala siya ng Instagram direct message kay Bea, upang magpaabot ng suporta sa gitna ng kinahaharap na problema ng aktres.

Nag-reply naman si Bea ng praying emoji. May time stamp itong 11:08 P.M.

BEA LIKES MORE HUGOT QUOTES

Samantala, kapansin-pansin din na ang quote cards na nila-like ni Bea sa Instagram ay tila may kinalaman pa rin sa hiwalayan nila ni Gerald.

Continue reading below ↓

Isa rito ay quote card na ibinahagi ng hairstylist ni Bea.

"I don't understand how someone can tell so many lies and never feel bad about it."

May ni-like din si Bea na quote na "STOP TRYING SO HARD TO DENY WHAT IS SO OBVIOUS TO SEE."

Continue reading below ↓

At isa pang "Once you realize you deserve better, letting go will be the best decision ever."

Base sa screenshots ng netizens, bandang 11:09 P.M. at 11:10 P.M. ito ni-like ni Bea.

Ang quotes na ito ay halos kapareho ng hugot quotes na ibinahagi ni Bea sa kanyang Instagram noong Linggo, July 21.

Continue reading below ↓

Bukod sa kontrobersiyal niyang "ENOUGH" post, nasa Instagram Stories din ni Bea noon ang quote na "Something I learned about people... If they do it once, they'll do it again."

Mayroon din siyang quote na "God never wastes a hurt."

Nang i-repost ito sa Instagram ng ibang fans ni Bea ay ni-like din ng aktres ang mga iyon.

Continue reading below ↓

JULIA, GERALD STILL MUM

Sa kasalukuyan, tanging si Bea at ex-boyfriend ni Julia na si Joshua Garcia ang naglabas ng mga pahiwatig tungkol sa isyu.

Wala pa ring direktang komento sina Julia at Gerald na nauugnay sa isa't isa ngayon.

Sa panayam ng ABS-CBN News kay Julia noong June 28, sinabi niyang walang katotohanan ang isyung may namamagitan sa kanila ni Gerald Anderson.

Sa hiwalay na panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Gerald noong July 4, sinabi niyang labas siya sa nangyaring hiwalayan nina Julia at Joshua.

Dalawang taon ang itinagal ng relasyon nina Julia at Joshua, hanggang sa nitong July 9 ay inamin ng binatang break na sila.

Sinasabing magtatatlong taon na sana ang relasyon nina Bea at Gerald nitong Hulyo, ngunit nagpahiwatig nga si Bea na hiwalay na sila ng aktor.

STORIES WE ARE TRACKING

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Bea Alonzo likes a netizen's new Instagram post showing a picture of Gerald Anderson and Julia Barretto.
PHOTO/S: @beaalonzo / @cabrera.kathbealove Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results