Nueva Ecija lawmaker refiles bill to renew ABS-CBN franchise

by Arniel C. Serato
Jul 24, 2019
Broadcast giant ABS-CBN franchise renewal is up to Congress, according to two high-ranking cabinet officials of President Rodrigo Duterte.
PHOTO/S: Courtesy: ABS-CBN News on Facebook

Sa pagbubukas ng ikatlong session ng 18th Congress ngayong araw, July 24, 2019, isinumite muli ni Nueva Ecija Representative Micaela S. Violago ang kanyang nakabinbing panukala noong 17th Congress na magpapalawig sa franchise ng ABS-CBN ng 25 taon.

Nakatakdang magtapos ang prangkisa ng istasyon sa March 20, 2020.

Ang House Bill 676 na may titulong “AN ACT GRANTING ABS-CBN BROADCASTING CORPORATION A FRANCHISE TO CONSTRUCT; INSTALL, ESTABLISH, OPERATE, AND MAINTAIN BROADCASTING STATIONS IN THE PHILIPPINES, AND FOR OTHER PURPOSES” ay naglalayong mapagkalooban ng 18th Congress ang Kapamilya network ng panibagong 25-year franchise to broadcast pagkatapos ng expiration ng kanilang prangkisa.

Continue reading below ↓

Hindi natalakay noong 17th Congress ang naunang nai-file ni Representative Violago na House Bill 4349 na naglalayong muling mabigyan ng prangkisa ang broadcast giant.

Ayon sa naulat noon, hindi inaksiyunan ng Committee on Legislative Franchises ang bill na nai-file ng mambabatas noong November 2016 dahil sa sigalot sa pagitan ng ABS-CBN at ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Continue reading below ↓

Nagbanta kasi ang Presidente na hindi niya aaprubahan ang franchise renewal ng istasyon dahil sa panggagantso diumano sa kanya nang hindi inere ang political ad niya noong 2016 Presidential Elections.

IT’S UP TO CONGRESS

Sa kanyang regular press briefing sa Malacañang noong July 18, 2019, sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na nakasalalay sa Kongreso ang franchise renewal ng ABS-CBN.

Nataon kasing noong araw na iyon ay nag-lapse into law ang 25-year franchise renewal ng TV5.

Sagot ni Panelo sa tanong tungkol sa franchise renewal ng ABS-CBN, “Ang ABS-CBN, ang expiration niyan ay next year pa.

“Nasa Kongreso ang bola niyan, hindi naman kay Presidente."

Sa panayam naman kay Presidential Communications and Operations Office (PCOO) Secretary Martin Andanar, sinabi nitong hindi ibi-veto o haharangin ng Presidente ang prangkisa sakaling makalusot ito sa Kongreso.

Sabi ni Andanar sa interview ng dzBB ngayong araw, July 24, “Sa palagay ko naman, kapag pumasa na sa Kongreso, okay na.

Continue reading below ↓

“Kapag pumasa sa Kongreso, kasi nasa Kongreso pa, e, nasa kanila ang bola sa ngayon. Yun ang palagay ko.”

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Broadcast giant ABS-CBN franchise renewal is up to Congress, according to two high-ranking cabinet officials of President Rodrigo Duterte.
PHOTO/S: Courtesy: ABS-CBN News on Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results