Bea Alonzo reacts to post about Gerald-Julia alleged stay in Subic hotel

by Arniel C. Serato
Jul 24, 2019
Bea Alonzo liked an Instagram post about the alleged stay of boyfriend Gerald Anderson and actress Julia Barretto in a Subic hotel.
PHOTO/S: Courtesy: @beaalonzo / @lloydiebeaforever on Instagram

Bukod sa mga kaibigan at kapamilya, tila nakahanap ng kakampi ang aktres na si Bea Alonzo sa netizens matapos pumutok ang balitang hiwalayan nila ni Gerald Anderson dahil diumano sa third party.

Dahil sa pag-aalala kay Bea matapos itong mag-post ng isang cryptic message sa Instagram noong July 21 tungkol sa pangangaliwa, ilang netizens ang nag-reach out sa Kapamilya actress.

Tina-tag ng netizens si Bea sa ilang posts na tila nagpapatunay na may third party sa hiwalayan nila ni Gerald.

Ngayong araw, July 24, isang post sa Instagram ang ni-like ni Bea.

Collage ito ng magkahiwalay na larawan nina Gerald at Julia Barretto mula sa isang hotel sa Subic, Olongapo na tila tinuluyan umano nilang pareho.

Sa kanan ay makikita ang larawan ni Julia kalakip ang handwritten note na nagsasabing "Thank you for a comfortable stay."

Sa kaliwa naman ay kasama ni Gerald ang isang lalaki na tila may-ari o staff ng nasabing hotel.

Continue reading below ↓

Ipinost ang mga nasabing larawang noong "April 13."

Nakalagay pa sa caption: “What is the meaning of this? ???? Ps. Yung post nung kay budoy is deleted na kaya di niyo na makikita. k.enough!”

Ang "Budoy" ay posibleng tumutukoy kay Gerald, base sa karakter na ginampanan niya noon sa isang teleserye.

Ang tinutukoy naman ng netizen na "deleted" ay ang larawan ni Gerald na nasa kanan at wala na sa timeline posts ng hotel.

Continue reading below ↓

Kapansin-pansin naman na pinusuan ni Bea ang Instagram post na ito.

Nagpadala ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ng mensahe kina Bea at Gerald, sa pamamagitan ng direct messaging (DM) sa Instagram, upang kunin ang kanilang reaksiyon sa balitang hiwalayan nila.

Nagpadala rin ng mensahe ang PEP.ph sa hotel management, sa pamamagitan ng private messaging (PM) sa kanilang Facebook account, upang kumpirmahin kung nag-check-in nga sina Gerald at Julia doon o naging location ang kanilang lugar sa eksena ng pelikulang Between Maybes, na ginagawa nila noong mga panahong iyon.

Continue reading below ↓

BEA ALONZO ALSO IN THE SAME HOTEL

Isa pang post ng netizen ang pinag-uusapan din ngayon.

Naisama na rin kasi ni Gerald sa nasabing Subic hotel si Bea noong January 2018.

Ayon sa komento ng netizens, parang paboritong sanctuary ni Gerald ang nasabing lugar.

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Bea Alonzo liked an Instagram post about the alleged stay of boyfriend Gerald Anderson and actress Julia Barretto in a Subic hotel.
PHOTO/S: Courtesy: @beaalonzo / @lloydiebeaforever on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results