Marjorie Barretto slams Julia Barretto-Gerald Anderson alleged hotel tryst 

by Rachelle Siazon
Jul 24, 2019
Marjorie Barretto shows proof that there is no truth to malicious rumors that her daughter Julia Barretto and actor Gerald Anderson had a hotel tryst last April.
PHOTO/S: Instagram

Naglabas ng pruweba si Marjorie Barretto na walang katotohanan ang alegasyong lihim na nag-check in sa isang hotel ang anak niyang si Julia Barretto at ang nauugnay ditong aktor na si Gerald Anderson.

Usap-usapan sa social media ang kumakalat na screenshots mula sa Facebook page ng isang hotel sa Subic, kunsaan nag-check in umano sina Julia at Gerald.

Kung susuriin ang dalawang screenshots, magkahiwalay ang thank-you message ng hotel sa dalawang Kapamilya stars.

Naging tampulan ito ng espekulasyon dahil napansin ng netizens na parehong April 13 ang date stamp ng pagbisita nina Julia at Gerald sa hotel.

Taliwas sa malisyosong kuru-kuro ng ibang netizens, iginiit ni Marjorie na trabaho ang ipinunta noon nina Julia at Gerald sa Subic, Olongapo City para sa shooting ng pelikula nilang Between Maybes.

"Let’s stick to the facts. Please swipe," pahayag ni Marjorie sa kanyang Instagram post ngayong Miyerkules ng gabi, July 24.

Sa unang litrato, iginiit ni Marjorie na magkahiwalay ang hotel rooms na ginamit nina Julia at Gerald.

Continue reading below ↓

"April 12, 2019: Between Maybes shooting in Subic.

"Location: Sagara Villas

"Each actor provided one room each as standby area with personal assistants, glam team and production staff coming in and out of their respective rooms."

May screenshot ding ipinakita si Marjorie na ang nakalagay ay "Subic movie shooting actor and actress Gerald Anderson and Julia Barretto."

Hindi malinaw kung caption o comment iyon sa Facebook page ng hotel, pero may time stamp itong April 12.

Dagdag pa ni Marjorie, kinabukasan, April 13, sumegue ang anak niyang si Julia para sa shooting ng isa pa nitong pelikula, ang Block Z.

Bilang patunay, ipinakita ni Marjorie ang still shot kay Julia ng direktor ng Block Z na si Mikhail Red.

Co-star ni Julia ang ex-boyfriend niyang si Joshua sa pelikulang Block Z.

Continue reading below ↓

MARJORIE REPLIES TO NETIZEN'S JULIA-GERALD COMMENT

Makikita sa Instagram post ni Direk Mikhail na "April 13" ang time stamp nito.

Sa comments' section ng post ni Marjorie, hindi rin niya pinalampas ang malisyosong comment ng isang netizen.

Sabi ng netizen, nagmamadali na raw si Julia na lumipat sa sariling bahay para magawa nito ang kung anuman ang gusto niya.

Babala pa ng netizen kay Marjorie, dapat ay bantayang maigi si Julia dahil baka sa huli ay iwan lang din ito ni Gerald.

Sagot naman ni Marjorie, sa tapat lang ng kanyang bahay ang ipinatayong bahay ni Julia.

Continue reading below ↓

BACK-TO-BACK BREAKUPS

June 28, 2019 nang kumpirmahin nina Julia at Joshua na hiwalay na sila matapos ang mahigit dalawang taon nilang relasyon.

Noon lamang April 2019 ay ipinagdiwang pa nila ang kanilang second anniversary.

Si Gerald naman ay kilalang boyfriend ni Bea, at sinasabing nitong July 2019 ay nakatakda sanang magdiwang sila ng kanilang third anniversary bilang magkasintahan.

Pero nitong July 21, sa pamamagitan ng matalinhagang posts, ay ipinahiwatig ni Bea ang hinihinalang hiwalayan nila ng aktor.

STORIES WE ARE TRACKING

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Marjorie Barretto shows proof that there is no truth to malicious rumors that her daughter Julia Barretto and actor Gerald Anderson had a hotel tryst last April.
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results