Joshua Garcia sends encouraging words to Julia Barretto amid controversy

by Erwin Santiago
Jul 25, 2019
Julia Barretto sahres on her Instagram Stories the message she got from ex-boyfriend Joshua Garcia.
PHOTO/S: @garciajoshuae on Instagram

Nagpaabot ng mensahe si Joshua Garcia para sa ex-girlfriend na si Julia Barretto sa gitna ng kontrobersiyang kinahaharap ngayon ng aktres.

Sa pamamagitan ng Instagram Stories nitong Miyerkules, July 24, ibinahagi ni Julia ang mensaheng natanggap niya mula kay Joshua:

"Malalampasan mo yan. I know you, you're the strongest girl na nakilala ko. Takot nga ako sayo eh."

Kasunod nito ang tila secret joke ni Joshua para kay Julia: "Baba car now."

Sagot naman dito ni Julia: "This guy knows how to find humor in everything."

Sa ibabang bahagi ay makikita naman ang mensahe ni Julia kay Joshua: "Loko loko!" na may kasamang fist bump emoji.

Continue reading below ↓

Bagamat hindi direktang tinukoy ni Julia kung para saan ang mensaheng ipinadala sa kanya ni Joshua, mahihinuhang may kinalaman ito sa mga batikos na natatanggap ngayon ng aktres dahil sa pagkakadawit ng kanyang pangalan sa breakup nina Bea Alonzo at Gerald Anderson.

Si Julia ang pinagbibintangang third party sa hiwalayan nina Bea at Gerald.

TWO BREAKUPS

Ilang linggo lamang ang pagitan nang lumabas ang balita tungkol sa breakup nina Bea at Gerald at nina Julia at Joshua.

Noong May 2019 ay nagsimula ang usap-usapang may pinagdadaanang problema ang relasyon nina Julia at Joshua.

Hanggang sa kinumpirma nila sa isang panayam noong June 28 na tinapos na nila ang kanilang pagiging magkasintahan pagkatapos ng dalawang taon, at bumalik sila sa pagiging "bestest of friends."

Sa naturang panayam din ay parehong pinabulaanan nina Julia at Joshua ang pagkakaugnay ng aktres kay Gerald.

Nagkatambal sina Julia at Gerald sa pelikulang Between Maybes, na ipinalabas noong May 2019.

Continue reading below ↓

Ayon sa mga espekulasyon, nabuo ang magandang pagtitinginan ng dalawang Kapamilya stars habang ginagawa nila ang pelikula.

Sa kabilang banda, nito lamang July 21, Linggo, nagpahiwatig si Bea sa Instagram na may pinagdadaanan ang relasyon nila ni Gerald.

Kalakip ng isang blangkong black picture, ito ang mensaheng isinulat ni Bea sa caption:

"'you can’t make the same mistake twice, the second time you make it, it’s not a mistake anymore, it’s a choice'

"ENOUGH."

JULIA-GERALD RUMORED RELATIONSHIP

Kasunod nito ay nagsilabasan ang mga larawan nina Julia at Gerald na kuha sa birthday party ng Kapuso actor na si Rayver Cruz sa isang restorbar sa Taguig City.

Ngunit ang nakapukaw ng atensiyon ng marami ay ang in-upload ng isang netizen na paparazzi shot nina Julia at Gerald na magkasama.

Ayon sa nag-upload ng larawan, kuha iyon sa labas ng restobar habang papunta sina Julia at Gerald sa parking area.

Continue reading below ↓

Kapansin-pansin naman ang pag-like sa post na ito ni Bea.

Kaagad namang ipinagtanggol si Julia ng kanyang ina na si Marjorie Barretto at ng kapatid na si Dani Barretto.

Binatikos nila ang netizen na nag-upload ng paparazzi photo nina Julia at Gerald, maging ang mga netizen na nag-comment, dahil sa pagbibigay-malisya rito samantalang marami naman daw kasama ang dalawa noong gabing iyon.

Continue reading below ↓

Iginiit din ni Marjorie na hindi date ang paglabas nina Julia at Gerald.

Dahil dito, nagbanta ang ina ni Julia na gagawa ng legal na aksiyon upang matigil ang maling paratang diumano sa kanyang anak.

Sa kasalukuyan ay wala pang direktang pahayag sina Bea, Gerald, Julia, at Joshua kaugnay ng kinasasangkutan nilang isyu.

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Julia Barretto sahres on her Instagram Stories the message she got from ex-boyfriend Joshua Garcia.
PHOTO/S: @garciajoshuae on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results