Maine Mendoza, Arjo Atayde brave traffic and rain to catch LANY concert

by Bernie V. Franco
Jul 25, 2019
Through good times and bad times! Maine Mendoza and rumored boyfriend Arjo Atayde ride on motorcycles, brave the traffic and rain to catch her favorite band's concert.
PHOTO/S: @moaarena on Instagram / Arjo Atayde on Twitter

Magkasama sa hirap at ginhawa.

Sinuong ng celebrity couple na sina Maine Mendoza at Arjo Atayde ang malakas na ulan at matinding traffic umabot lamang sa concert ng paboritong foreign band ng Eat Bulaga! host, ang LANY.

Kagabi, July 24, nag-post si Arjo sa Twitter ng kuha nila ni Maine na obvious na nasa kalsada at parehong nakaangkas sa motorsiklo.

Nakasuot din ang dalawa ng helmet at raincoat.

Patungo ang dalawa sa Mall of Asia Arena, Pasay City, para sa second-day concert ng American indie pop band na LANY.

Caption ng Kapamilya actor sa picture: “More and more memories with you babs [heart emoji] one for the books!”

Continue reading below ↓

Ipinost din ni Arjo ang naturang larawan nila ni Maine sa kanyang Instagram Story.

NEVER SAY NEVER

Kahapon ng umaga, nag-tweet si Maine kung saan ibinahagi niya ang nararamdaman dahil sa posibilidad na hindi niya mapanood ang LANY concert kahit may tiket na siya.

Inakala kasi ni Maine na hindi na siya makakadalo sa concert dahil sa trabaho.

Continue reading below ↓

Bahagi ng tweet niya: “Nakipagunahan ako bumili ng LANY tickets noon tapos may biglaang taping ngayon? Ang shaket shaket. Enjoy sa lahat ng pupunta tonight.”

Pero humanap siya ng paraan at hindi pinalampas ang tsansang mapanood ang paboritong banda, at sinamahan pa siya ni Arjo.

Tweet ni Maine: “Magtataping pero hindi susuko! Dibale nang dugyot basta #LabanLANY!!!”

Continue reading below ↓

Kalakip ng tweet ay dalawang photos ni Maine na naka-rain coat at helmet sa kalsada, pero hindi kasama si Arjo.

Halata namang walang pagsidlan ang tuwa ni Maine na nagawa pa ring makapanood ng concert.

Tweet ng Dabarkads host kagabi: “Nairaos! Pakiramdam ko may hinabol akong jowa na paalis ng bansa.

Continue reading below ↓

"Iba kayo, @thisisLANY! Hindi ko to nagawa kay Chris Martin.. baka magtampo.

“Anyway, you guys were amazing! Thanks for giving us a great show! Til the next!”

Si Chris Martin ang lead vocalist ng British rock band na Coldplay na paborito rin ni Maine.

Samantala, nasa social media rin ang larawan nina Maine at Arjo na nasa loob ng venue.

Continue reading below ↓

Kitang-kita sa mukha ni Maine na masaya ito habang nakatingin sa kanya si Arjo.

Bago ito, ang huling post ng rumored couple ay ang hugging photo nila na kuha sa fundraising event ni Maine noong July 14 na dinaluhan ni Arjo bilang suporta.

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Through good times and bad times! Maine Mendoza and rumored boyfriend Arjo Atayde ride on motorcycles, brave the traffic and rain to catch her favorite band's concert.
PHOTO/S: @moaarena on Instagram / Arjo Atayde on Twitter
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results