Bea Alonzo's cousin, best friend lambast Gerald Anderson over cheating allegations

by Arniel C. Serato
Jul 25, 2019
A cousin of Bea Alonzo to Gerald Anderson: "You are incredibly twisted. A sneaky womanizer, a conniving asshole, a pathological liar."
PHOTO/S: Cyrus Panganiban

Hindi lamang si Bea Alonzo ang nasaktan sa diumano’y panloloko ni Gerald Anderson sa kanya kundi pati na ang ilang malalapit na tao sa Kapamilya actress.

Kabilang na rito ang pinsan ni Bea na si Osang Odango at ang non-showbiz best friend niyang si Kim Buan.

Kahapon, July 24, kumalat sa social media ang posts ng pinsan at kaibigan ng aktres kung saan nagpakawala sila ng maaanghang na salita laban kay Gerald.

Pahayag ni Osang sa kanyang Instagram photo post (published as is):

“You are incredibly twisted.

"A sneaky womanizer, a conniving asshole, a pathological liar.

"I will never run out of words to describe you dear!

"Someday you will get served what you deserve.

"Karma will catch up on you.

"F*ck you and f*ck everything about you."

Continue reading below ↓

Nagbigay rin ng babala si Osang sa kanyang caption:

Mensahe naman ni Kim sa kanyang Instagram Stories:

"Buti nasave ko tong deleted tweet ko before.

"Well di ako talaga ako nagkamali.

"Naulit na naman!

"Sabi ng kaibigan ko. ENOUGH.

"F*ck you ka po."

Ito ang nakalagay sa kanyang deleted tweet noon:

Continue reading below ↓

“Wag yung kaibigan ko.

"Napakalaki mong G*G* GERALD!

"Karma nalang bahala sayo! Ul*l.”

INFIDELITY?

Lumalaki na ngayon ang usapin tungkol sa diumano’y hiwalayan nina Bea at Gerald.

Nakaladkad kasi ang pangalan ni Julia Barretto na diumano'y third party sa breakup.

Continue reading below ↓

Ito ay matapos mamataan sina Gerald at Julia na magkasama sa birthday party ni Rayver Cruz sa BGC, The Fort, Taguig City, nitong weekend.

Agad namang ipinagtanggol ni Marjorie Barretto ang anak na si Julia dahil harmless photo lamang daw ito.

Ngunit tila nakahanap naman ng kakampi si Bea kay Gretchen Barretto, na naging co-star niya sa teleseryeng Magkaribal.

Hanggang ngayon ay may sigalot pa rin sa pagitan nina Gretchen at Marjorie.

Kahapon, July 24, lumabas ang “escapade” diumano nina Gerald at Julia sa isang hotel sa Subic.

Ngunit kaagad din itong pinalagan at pinabulaanan ni Marjorie.

Samantala, ang ex-boyfriend ni Julia na si Joshua ay nagpahiwatig namang okay pa rin sila ng dating karelasyon.

Kahapon, nag-post si Julia sa Instagram Stories ng screenshot ng mensaheng ipinadala sa kanya ni Joshua sa gitna ng kontrobersiyang kinasasangkutan ng aktres.

Pero hinala ng iba, posibleng may kinalaman ito sa promo ng lalabas nilang pelikula, ang Block Z.

Continue reading below ↓

Samantala, sa lahat ng kaguluhang ito, nananatiling tahimik si Gerald.

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
A cousin of Bea Alonzo to Gerald Anderson: "You are incredibly twisted. A sneaky womanizer, a conniving asshole, a pathological liar."
PHOTO/S: Cyrus Panganiban
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results