Hashtag Jimboy Martin defends Vice Ganda-Ion Perez relationship from critics

by Glenn Regondola
Jul 25, 2019
Jimboy Martin on critics of Vice-Ion relationship: "Siguro hindi naman po lahat sa lalaki sa lalaki, o lalaki sa... ganun ang intensiyon. Kasi, meron tayong natatawag na ‘love’ talaga, e."
PHOTO/S: Glenn Regondola / Instagram

Bilang isa sa malapit na kaibigan ni Vice Ganda, masaya ang Hashtags member na si Jimboy Martin sa kasalukuyang estado ng love life ng TV host-comedian.

Kahit wala pang direktang kumpirmasyon, open secret na sa showbiz ang relasyon ni Vice kay Ion “Kuya Escort” Perez.

Magkakasama sina Vice, Ion, at ang Hashtags sa ABS-CBN noontime show na It’s Showtime.

Pahayag ni Jimboy, “Hay naku, Ate Vice!

“Ako naman, ang masasabi ko kay Ate Vice, happy ako sa nangyayari sa kanya ngayon dahil sa dami ng shows niya, at dami niyang ginagawa ngayon.

“Happy ako sa kanyang love life, if ever.

“Kung saan siya masaya, dun ako.

“Why not, di ba? Si Ate Vice, Mamita namin ‘yan, e. “

Kumusta naman ang impression nila kay Ion?

Saad ng Pinoy Bg Brother 737 Teen big winner, “Ah, si Ion, kaibigan namin ‘yan.

Continue reading below ↓

“Kasama namin niyang mag-basketball. ‘Tsaka, isinasama namin kung saan kami magpunta.

“Mabait po siyang kaibigan.”

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Jimboy sa San Vicente, Palawan, noong nakaraang linggo.

Isa si Jimboy sa celebrity guests sa inaugural flight ng Skyjet Airlines papuntang San Vicente, mula sa Manila.

IT’S NOT ALL ABOUT THE MONEY

Ano ang masasabi ni Jimboy sa batikos ng ilang netizens na pera lang daw ang habol ni Ion kay Vice?

Saad ng 21-year-old dancer, “Siguro hindi naman po lahat ng lalaki sa lalaki, o lalaki sa... ganun ang intensiyon.

“Kasi, meron tayong natatawag na ‘love’ talaga, e. Yun yun.

“Kaya hindi natin masasabi na yun lang ang habol ng isang lalaki sa...

“At saka, matalino si Ate Vice.

“Alam niya yun kung niloloko lang siya o hindi.”

Nakikita ba niya ang pagki-care ni Ion kay Vice?

Continue reading below ↓

“Oo naman!” bulalas ni Jimboy.

“Sa akin naman, ang alam ko naman sa kanila ay close sila, e.

“Yun lang naman po ang alam ko, at saka wala naman po akong ibang alam... yun lang talaga.”

Tanggap ba niya ang relasyon nina Vice at Ion bilang mga kaibigan nito?

Ani Jimboy, “Sa akin naman, yung sa kanyang relasyon, wala namang problema, e.

“Sa LGBT, support naman ako diyan, e. Walang problema dun.”

Paano kung may isang gay na ma-in love sa kanya? Ano ang magiging reaksiyon niya?

Sagot ni Jimboy, “A, sa buong buhay ko, wala pa naman na ganung nangyayari.

“If ever po, e, di hayaan ko lang ko, kasi hindi naman... alangan namang ipagtabuyan po natin ang isang tao na mahalin ka.

“Masaya ako na may nagmamahal sa akin na ganun, at siyempre bigyan natin ng chance, if ever may chance."

Continue reading below ↓

Kaya naman daw ni Jimboy mahalin ang isang gay, pero mas gusto niya talaga ang isang tunay na babae.

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Jimboy Martin on critics of Vice-Ion relationship: "Siguro hindi naman po lahat sa lalaki sa lalaki, o lalaki sa... ganun ang intensiyon. Kasi, meron tayong natatawag na ‘love’ talaga, e."
PHOTO/S: Glenn Regondola / Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results