Yassi Pressman quashes alleged love triangle with Coco Martin, Julia Montes

by Rachelle Siazon
Jul 25, 2019
Yassi Pressman on alleged love triangle with Coco Martin and Julia Montes: "Wala naman po kasi akong ikaka-guilty."
PHOTO/S: Noel Orsal

Nanindigan si Yassi Pressman na labas siya sa kontrobersiya sangkot ang rumored couple na sina Coco Martin at Julia Montes.

Noong Abril 2019, nabunyag ang diumano'y panganganak ni Julia at si Coco ang itinuturong ama.

Kasabay nito ang hindi mamatay-matay na isyung nagkakaproblema diumano ang relasyong Julia at Coco dahil kay Yassi.

Si Yassi diumano ang bagong napupusuan ni Coco.

Sa parte ni Yassi, tumanggi siyang sagutin ang tanong tungkol sa pagkakaroon ng anak nina Julia at Coco at sa pagkakadawit niya noon sa isyung iyon.

"Pagdating po siguro dun, sila na lang po yung tanungin niyo, kasi hindi naman po ako kasali dun.

"Wala naman po akong karapatan magsalita," pag-iwas ng Kapamilya actress.

NOT IN A RELATIONSHIP WITH COCO

Ang tanging nilinaw ni Yassi ay wala raw katotohanan ang balitang magkarelasyon na sila ni Coco at ayaw lang nila itong ipaalam sa publiko.

"Hindi po," giit ni Yassi nang tanungin kung sila nga ba ni Coco.

Continue reading below ↓

"I think, feeling ko po, nadadala sila sa kuwento po namin, at masaya kami kung yun ang nararamdaman nila, at para po sa akin that's a good thing."

Ang tinutukoy ng aktres ay ang pagganap niya bilang asawa ni Coco sa ABS-CBN prime-time series na FPJ's Ang Probinsyano.

Bakit tila hindi siya natitigatig kapag may mga kontrobersiyang ipinupukol sa kanya?

Sagot ni Yassi, "Wala naman po kasi akong ikaka-guilty.

"Pag meron akong naririnig, hindi naman totoo, okey lang."

TRIP TO PALAWAN AMID INTRIGUES

Napangiti naman si Yassi nang tanungin tungkol sa biglaan niyang solo trip sa El Nido, Palawan noong April 13.

Noong panahong iyon ay kasagsagan ng pagkakadawit ni Yassi sa isyung nagkakalabuan umano sina Coco at Julia nang dahil sa kanya.

Nag-post pa noon si Yassi na ang kanyang pagbabakasyon ay para itaboy ang sakit na nararamdaman niya noon.

Sabi lang ni Yassi, "Siguro po ano, pag-recharge ng sarili sa work na lang din po.

Continue reading below ↓

"Or sa buhay, minsan pag nai-stress lang tayo.

"Para sa akin, mas maganda i-release na lang po natin, na hanapin yung sarili sa mga bagay na nakakapagpasaya po sa akin."

Nakapanayam si Yassi ng entertainment reporters, kabilang ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), sa mediacon ng Greenwich Lasagna Supreme na iniendorso ng aktres.

Ginanap ito sa Greenwich Greenmeadows branch sa Quezon City, Huwebes ng tanghali, July 25.

STORIES WE ARE TRACKING

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Yassi Pressman on alleged love triangle with Coco Martin and Julia Montes: "Wala naman po kasi akong ikaka-guilty."
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results