Julia Barretto unaffected by negative opinions about her?

by Bernie V. Franco
Jul 25, 2019
Julia Barretto's recent Instagram posts seem to show that she's unaffected by negative comments being thrown at her.
PHOTO/S: Instagram

Hindi nagpapatinag si Julia Barretto sa kabila ng matinding kontrobersiya na kinahaharap niya ngayon.

Ito ay kung pagbabasehan ang latest posts sa Instagram ng 22-year-old Kapamilya actress.

Ngayong Huwebes ng hapon, July 25, nag-post si Julia ng larawan niyang may hawak ng tasa ng kape.

Kapansin-pansin ang puting damit ni Julia at ang puting tasa na hawak niya.

Makahulugang mensahe ng aktres sa caption: “The difference between coffee and their opinion is—I asked for coffee.”

Tila patama ito ni Julia sa mga taong bumabatikos at humuhusga sa kanya kahit hindi naman hinihingi ang kanilang opinyon.

Continue reading below ↓

Mapapansin ding naka-on ang comments sa post na ito ni Julia, kumpara sa mga nakalipas niyang posts na naka-disable ang comments section.

Dalawa sa mga nagkomento sa post na ito ng aktres ay ang kanyang mga kapatid na sina Dani at Claudia Barretto.

Ani Dani: “That’s my girl!!! [heart emoji]”

Tatlong “relieved face” emoji naman ang comment ni Claudia.

Continue reading below ↓

Pero pagkalipas ng dalawang oras, na-deactivate na ang comments section ng post niyang ito bunsod ng matitinding bashing mula sa ibang netizens.

DO NOT DISTURB

Sa Instagram Story naman, todo-ngiti si Julia sa video nila ni Claudia habang nasa loob ng kotse.

Ipinost ito ni Julia ngayon ding Huwebes.

Continue reading below ↓

Kahapon, July 24, nag-post naman si Julia ng larawan niyang naka-swimsuit habang nasa cottage at overlooking sa beach.

Simple pero makahulugang caption ni Julia, “DND,” na abbreviation ng “Do Not Disturb.”

Muli, tila statement ito ni Julia sa kabila ng isyung kinakaharap.

Continue reading below ↓

JULIA IN THE MIDDLE OF A CONTROVERSY

Nasa gitna ngayon ng kontrobersiya si Julia dahil sa pagkakadawit ng pangalan niya sa breakup nina Gerald Anderson at Bea Alonzo.

Siya ang itinuturong dahilan ng paghihiwalay ng dalawa.

Noong Linggo, July 21, ay kumalat sa social media ang paparazzi photos nina Julia at Gerald na magkasama.

Nakunan ng isang netizen ang dalawa na diumano’y papunta sa parking area pagkatapos dumalo sa birthday celebration ni Rayver Cruz sa isang restobar sa Taguig City.

Sabi pa sa caption, sumakay sa iisang kotse sina Gerald at Julia.

Ito raw ang patunay na pinagtataksilan ni Gerald si Bea at may namamagitan diumano kina Gerald at Julia.

Lalo pa itong umingay dahil sa cryptic Instagram post ni Bea tungkol sa panloloko, na pinaniniwalaang patama kay Gerald.

Sunud-sunod din ang pagla-like ni Bea ng mga post ng fans at netizens na may kinalaman sa mga kumakalat na larawan nina Gerald at Julia.

Todo-depensa naman kay Julia ang ina nitong si Marjorie Barretto at si Dani, na idiniing walang masama sa mga larawan nina Gerald at Julia at binigyan lamang ito ng malisya ng mga tao.

Continue reading below ↓

At press time, wala pang direktang pahayag sina Julia, Gerald, at Bea kaugnay ng isyung kinasasangkutan nila.

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Julia Barretto's recent Instagram posts seem to show that she's unaffected by negative comments being thrown at her.
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results