Bea Alonzo hopes to do another movie with John Lloyd Cruz

by Melba R. Llanera
Jul 25, 2019
Bea Alonzo on John Lloyd Cruz: "For somebody who is able to witness him grow up or siguro yung matured, parang I feel it’s a privilege for me na nakita ko yung bawat stage ng buhay niya."
PHOTO/S: Twitter / Instagram

Nagulat ngunit masaya si Bea Alonzo sa naging reaksiyon ng mga tao sa pagsasama nilang muli sa isang proyekto ng kanyang perennial leading man na si John Lloyd Cruz.

Kamakailan ay naging usap-usapan sa social media ang larawan nina Bea at John Lloyd na kuha sa El Nido, Palawan.

Marami nga ang nag-akala na magsasama muli ang dalawa sa isang pelikula o di kaya’y sa isang teleserye.

Ngunit napag-alaman kalaunan na para iyon sa isang endorsement, kasama ang kapwa nilang ABS-CBN star na si Piolo Pascual.

Pahayag ni Bea tungkol sa clamor na pagsamahin silang muli ni John Lloyd, “May mga nagsasabi sa akin na nami-miss nila kaming makita sa big screen together, pero hindi ko inakala na ganun yung magiging effect nung ad.

“Hindi pa nga nila nakikita yung actual ad, yung nakikita nila yung sa akin pa lang.

“Nakakatuwa na dahil dun sa mga spotted pictures naming dalawa, ganun na yung reaction.

Continue reading below ↓

“Sana talaga, I'm wishing na talagang may mai-offer sa amin na tamang pelikula that would make him want to do it and come back to filmmaking.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News si Bea pagkatapos ng storycon ng pelikulang pagsasamahan nila nila Angelica Panganiban at Richard Gutierrez noong Sabado, July 20.

Patuloy ng Kapamilya actress, “Actually, hindi naman comeback, sabi nga niya hindi siya tumigil kasi ngayon nga, mayroon siyang ginagawa.

“Sana mayroon talagang mag-land sa lap namin na magandang script para gustuhin niyang gumawa uli ng pelikula with me.”

Ang huling pinagsamahang pelikula nina Bea at John Lloyd ay ang A Second Chance noong 2015.

Taong 2017 namang nagdesisyon si John Lloyd na pansamantalang iwan ang showbiz para pagtuunan ng pansin ang kanyang pribadong buhay.

LIFE AFTER SHOWBIZ

Ngayon ay tahimik na namumuhay si John Lloyd kapiling ang kanyang partner na si Ellen Adarna at ang kanilang anak.

Continue reading below ↓

Sinang-ayunan naman ni Bea ang pahayag ni Piolo Pascual sa isang hiwalay na panayam na masaya si John Lloyd sa buhay nito ngayon.

Pahayag ng aktres, “Yeah, I think so.

“Sa mga nabanggit niya sa akin, masaya naman siya.

“Although siyempre, I can't really ano, kasi hindi ko naman alam, medyo nata-tap lang ng conversation namin.

“Alam ko lang masaya siya... you know what, he seemed happy, he seemed okay.”

Sabi pa ni Bea tungkol kay John Lloyd, “We never lost contact, hindi naman kami ever never nakapag-usap na.

“Once in a while, talagang magte-text ‘yan, ako rin ganun din sa kanya.

“Pero hindi na siyempre gaya ng dati na lagi kaming nagkikita, na alam ko kung ano ang nangyayari sa kanya.”

Proud daw si Bea sa nakita niyang mga pagbabago kay John Lloyd.

“When I got to work with him again, I was happy to see na okay siya, saka grabe yung maturity niya.

Continue reading below ↓

“I guess yun din ang naibigay sa kanya ng fatherhood.

“Sa totoo lang, proud ako sa nakita ko ulit.

“Saka may another layer on his personality ko na nakita ko.

“For somebody who is able to witness him grow up or siguro yung matured, parang I feel it’s a privilege for me na nakita ko yung bawat stage ng buhay niya.

“Para sa akin, pribilehiyo yun. Nakita ko na may another layer.”

FIRST MOVIE WITH ANGELICA

Samantala, nagpahayag din ng excitement si Bea sa pagsasama nila ni Angelica sa isang pelikula sa kauna-unahang pagkakataon.

Saad ni Bea, “Sobrang tagal ko na siya gustog makatrabaho sa totoo lang.

“Halos lahat ng pelikula niya napanood ko, from A Love Story, Here Comes The Bride

“Galing na galing talaga ako sa kanya bilang artista.

“Kanina nga, kinakabahan ako, parang feeling ko she will keep me on my toes.

Continue reading below ↓

“Alam mo na, parang it's going to be a healthy competition for both of us."

Dagdag niya, “Sa totoo lang, sa akin, nagre-resonate yung character ko talaga.

“She is very close to who I am in real life, si Mariel.

“Feeling ko si Dinah, yung character ni Angelica, medyo may pagkakapareho din sa kanya.

“Makikita mo yung dynamics namin sa totoong buhay, somehow makikita mo yung reality sa pelikula when you get to see it.

“Although hindi pa ako nagsu-shoot so I can't really tell you.

“Although, sa tingin ko, yun ang mangyayari.”

Tiyak na may confrontation scenes at may mga sampalan sa ilang eksena, handa ba si Bea rito lalo't hindi maiiwasang minsan ay nagkakasakitan ang mga artista?

Saad ng aktres, “Acting lang naman yun saka maganda nga, kasi journey siya ng dalawang babae sa friendship nila na talagang matsa-challenge ang dalawa nilang marriages.

Continue reading below ↓

“Mas maganda kasi totoo naman na nagbabago ang dynamics namin dahil sa personal relationships.

“As friends, may mga kaibigan ka na hindi mo nakikita a long time because you've been busy with your own relationships.”

NO PLANS WITH GERALD

Kung gaano ka-open at ka-excited si Bea na sagutin ang mga tanong tungkol kina John Lloyd at Gerald, nag-iba naman ang mood ng aktres nang tanungin kung paano nila ipagdiriwang ni Gerald Anderson ang kanilang third anniversary bilang magkasintahan.

“Wala… oo, saka may gagawin ako,” makahulugang pahayag ni Bea.

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Bea Alonzo on John Lloyd Cruz: "For somebody who is able to witness him grow up or siguro yung matured, parang I feel it’s a privilege for me na nakita ko yung bawat stage ng buhay niya."
PHOTO/S: Twitter / Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results