Rhea Santos bids farewell to GMA-7 after 19 years

Rhea Santos will migrate to Canada with her family and study Online Journalism abroad.
by Ruel J. Mendoza
Aug 2, 2019

Sa August 2, Friday, ang last day ng broadcast journalist na si Rhea Santos bilang isa sa hosts ng GMA-7 morning show na Unang Hirit.

Kasabay ng pamamaalam ni Rhea ay ang pag-iwan din niya sa kanyang programa na Tunay Na Buhay.

Binigyan ng despedida noong nakaraang Wednesday, July 31, si Rhea ng Unang Hirit barkada kasama sina Arnold Clavio, Suzie Entrata, Lyn Ching, Luanne Dy, Ivan Mayrina, Lhar Santiago, Mang Tani, Atty. Gabbi Concepcion at ang bagong host ng UH na si Mariz Umali.

Hindi nga mapigilang maluha ng 40-year-old TV host sa binigay niyang farewell message sa mga manonood ng kanilang morning show.

"Mga Kapuso, papasok po ako sa bagong kabanata ng aking buhay, pagkatapos ng labing-siyam na taon sa industriya ng broadcasting. Hindi naging madali ang desisyon na magpaalam, sa tahanan na nagmahal sa akin at minahal ko.

"Babalik po ako sa pag-aaral at makakasama ko ang aking buong pamilya para magsimula ng bagong buhay sa ibang bansa. Ipinagdasal naming ito at ibinigay naman sa amin, kaya malakas ang loob ko na kaya ko at kasama ko ang aking buong pamilya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"We will be celebrating our 20th anniversary ng Unang Hirit ngayong taon, and please note, even if I am not here, I'm proud to be part of this family.

"I take this opportunity siyempre, para magpasalamat sa GMA para sa tiwala, salamat sa lahat ng katrabaho na naging kaibigan at pamilya ko na po. Higit sa lahat, salamat sa inyo mga Kapuso, na nagbukas ng kanilang tahanan para papasukin ako tuwing umaga sa loob ng labing-siyam na taon.

"Sabay po tayong humigop ng kape, isinabay niyo ako sa pagkain ng almusal, yung pagpasok niyo sa opisina, eskuwelahan, kasa-kasama ko po kayo at kasa-kasama niyo rin po ako.

"Kaya sa mga Kapuso na hindi makatulog sa gabi, sinamahan niyo ako sa Tunay Na Buhay, yung isa ko pong programa.

"Kaya maraming salamat po inyo sa pagtanggap, sa pagsuporta, at pagmamahal. I will definitely miss home, ito ang tahanan namin, ang Pilipinas. Pero huwag po kayong mag-alala, siyempre kung nasaan ang pamilya ko, gano'n naman tayo, kunsaan ang pamilya nandoon ang tahanan.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"Salamat po dahil sa inyo, natupad po ang mga pangarap ko."

Magma-migrate si Rhea kasama ang kanyang mister, ang businessman na si Carlo de Guzman, at ang kanilang dalawang anak sa bansang Canada at doon na rin siya mag-aaral ng kursong Online Journalism.

Ayon kay Rhea, isang magandang opportunity raw ang dumating sa kanya kaya ayaw niyang pagsisihan balang araw na hindi niya ginawa ito.

"Hangga't kaya ko pa... life begins at 40 talaga. Mas malakas ang loob mo sa mga bago sa buhay.
"Ayokong umabot sa punto na hindi ko sinubukan. Magsisisi ako kapag hindi ko sinubukan. Hindi mo rin alam kung hanggang saan ang kaya mong gawin, kung hindi mo susubukan.

"Basta kasama ang pamilya, nandoon naman ang lakas ko lagi, kahit saan man sa mundo."

Nakapagtapos bilang magna cum laude sa kursong AB Mass Communication sa St. Paul's College in Quezon City si Rhea.

Taong 2001 nang i-welcome si Rhea bilang isa sa co-hosts ng Unang Hirit.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pinasok din si Rhea sa iba't ibang shows ng GMA News and Public Affairs tulad ng Frontpage: Ulat Ni Mel Tiangco (2003), At Your Service: Star Power (2004), Pinoy Abroad (2005), News on Q (2005), Draw The Line (2005), DoQmentaries (2008), Reporter's Notebook (2009), at Tunay Na Buhay (2011).

Nakatanggap ng Gold Camera Award si Rhea mula sa 2005 U.S. International Film and Video Festival para sa programa niyang At Your Service.

Natanggap din niya ang mga parangal bilang Best Travel Show Host for Pinoy Abroad (Star Awards for TV 2006), Best Morning Show/Host for Unang Hirit (Star Awards for TV 2001, 2002, 2008, 2013, and 2015) and Best Morning Show/Host for Unang Hirit (Gawad Tanglaw Awards 2017).

Bilang isa sa mga top news anchors ng Kapuso network, naging bahagi si Rhea ng mga malalaking events sa Pilipinas in the past two decades kabilang na ang anim na national elections, state of the nation addresses, Senate hearings, the 9/11 attack, at ang historic impeachment trial of the late Chief Justice Renato Corona.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results