Bea Alonzo says no formal breakup with Gerald Anderson

by Rachelle Siazon
Jul 26, 2019
Bea Alonzo on boyfriend Gerald Anderson: "We did not break up. He just started not talking to me."
PHOTO/S: Instagram

Inamin ni Bea Alonzo na bigla na lang siyang iniwan sa ere ng longtime boyfriend niyang si Gerald Anderson at wala silang pormal na pag-uusap na hiwalay na sila.

Ito ang rebelasyon ni Bea limang araw mula nang magpakawala siya sa social media ng mga pahiwatig na may pinagdadaanan silang problema ni Gerald.

Tila namangha si Bea nang tanungin siya ng ABS-CBN News reporter na si MJ Felipe tungkol sa balitang umamin na si Gerald na hiwalay na sila.

"Ah, he said that?" balik-tanong ni Bea.

Dugtong ng Kapamilya actress, "Because honestly, to my understanding, we did not break up.

"He just started not talking to me."

GERALD ANDERSON'S PHONE CONVERSATION WITH DENNIS PADILLA

Noong July 23, naiulat ang kuwento ng isang source sa Cabinet Files ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) tungkol sa pag-uusap sa telepono ni Gerald at ama ni Julia Barretto na si Dennis Padilla.

Sabi rito, umamin si Gerald kay Dennis Padilla na "hiwalay na sila Bea at "nanliligaw" ito sa anak ng beteranong aktor na si Julia.

Continue reading below ↓

Nang lumabas ang ulat ng PEP.ph, nakarating iyon kay Bea dahil sa fans na nag-repost nito sa Instagram.

Makikitang nag-react si Bea sa pamamagitan ng pag-like nito sa Instagram post ng isang netizen, na siyang nagbahagi ng mga litrato ni Gerald kasama si Julia.

"HINDI AKO PUWEDENG MAGPA-IPOKRITA."

Ngayong Biyernes, July 26, matapang na humarap si Bea sa story conference para sa kanyang bagong drama series sa ABS-CBN.

Dito unang nagsalita si Bea tungkol sa personal na pinagdadaanan niya ngayon.

Sa kabila ng umano'y kawalan ng formal breakup nila ni Gerald, pag-amin ni Bea:

"I'm moving forward. At saka, siyempre, hindi ako puwedeng magpaipokrita."

Pasintabi pa ng aktres sa kanyang co-stars at direktor ng gagawing teleserye, "Tsaka sinasabi ko 'to habang nandito... parang nakakahiya, but I'm really sorry."

Ayon pa kay Bea, hindi rason ang pagiging heartbroken para hindi niya siputin ang kanyang trabaho.

"I feel, like, I'm a strong woman.

Continue reading below ↓

"Feeling ko, pinalaki ako ng ABS na professional, and I always have to show up regardless of whatever's happening in my life."

Nagpasalamat din si Bea sa mga kaibigan niyang todo-suporta sa kanya, lalo na ngayong may matinding pagsubok siyang hinaharap.

"Malaking bagay na nandiyan yung mga kaibigan ko. Malaking bagay na maraming nagki-care para sa akin," aniya.

Tulad marahil ng kaibigan niya sa showbiz na si Angel Locsin, na nakasama niyang mag-bonding matapos ang dinaluhan nilang trade event noong gabi ng July 23.

Dagdag niya, "Actually, nagugulat nga ako, maraming nagpapadala ng bulaklak, maraming nagti-text, and malaking bagay yun sa akin."

Isa sa mga artistang naiulat na nagpadala ng bulaklak kay Bea ay si Gretchen Barretto, na co-star ng dalaga sa 2010 Kapamilya series na Magkaribal.

Pamangkin ni Gretchen si Julia sa kapatid nitong si Marjorie Barretto.

THE JULIA-GERALD CONTROVERSY

Sa kabilang banda, tikom pa rin ang bibig nina Julia at Gerald tungkol sa balitang nagkakamabutihan na sila.

Continue reading below ↓

Noong gabi ng July 20, 2019, namataang magkasama ang dalawa na dumalo sa birthday party ng close friend ni Gerald na si Rayver Cruz.

Base sa mga kumalat na litrato nila sa social media, kasama rin sa pagtitipon ang nakatatandang kapatid ni Julia na si Dani Barretto.

Pero ayon sa isang netizen na saksi ng insidente, sabay na umuwi sina Julia at Gerald noong gabing iyon.

Nakita raw ang dalawa na naglalakad sa labas ng restobar at sabay diumanong pumasok sa isang kotse papauwi.

Una nang itinanggi ng ina ni Julia na si Marjorie ang balitang nagdi-date na sina Julia at Gerald.

Sinegundahan ito ng kapatid ni Julia na si Dani, na nagsabing hindi maituturing na "cheating" ang simpleng pag-uusap at pagkukumustahan nina Gerald at Julia, na nagkatambal sa pelikulang Between Maybes.

Taliwas ito sa kuwento ng source ng Cabinet Files, na nagsabing umamin nga si Gerald na "nanliligaw" kay Julia.

Continue reading below ↓

BACK-TO-BACK BREAKUPS

Sinasabing magtatatlong taon na sana ang relasyon nina Bea at Gerald nitong July 2019.

Si Julia naman ay dalawang taong nakarelasyon ang reel-and-real life sweetheart niyang si Joshua Garcia.

June 28, 2019 nang inihayag nilang bumalik sila sa pagiging "bestest of friends."

July 4, 2019 nang direktang inamin ni Joshua sa PEP.ph na hiwalay na sila ni Julia.

STORIES WE ARE TRACKING

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Bea Alonzo on boyfriend Gerald Anderson: "We did not break up. He just started not talking to me."
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results