Dani Barretto hits back at netizen who told her to stay out of Julia controversy

by Bernie V. Franco
Jul 26, 2019
Dani Barretto (right) lambasts a netizen who told her to stay out of the controversy involving younger sister Julia Barretto (left photo). Julia is being accused as the third party in the Gerald Anderson-Bea Alonzo breakup.
PHOTO/S: @juliabarretto and @danibarretto on Instagram

Muling pinatunayan ni Dani Barretto na palaban siya pagdating sa pagtatanggol sa nakababatang kapatid na si Julia Barretto na nasa sentro ng kontrobersiya ngayon.

Nadadawit ngayon ang pangalan ni Julia sa hiwalayang Gerald Anderson at Bea Alonzo.

Si Julia ang itinuturong dahilan ng paghihiwalay ng dalawa.

Nagsimula ito nang kumalat sa social media noong weekend ang paparazzi shots nina Julia at Gerald na kuha nang dumalo sila sa birthday party ni Rayver Cruz sa isang bar sa Taguig City.

Ayon sa netizen na nag-upload ng litrato nina Gerald at Julia, sumakay diumano sa iisang kotse ang dalawang Kapamilya stars.

Inakusahan din ng netizen si Gerald na pinagtataksilan si Bea.

DANI SLAMS NETIZEN

Nitong July 25, Huwebes, nag-post sa Instagram si Julia ng larawan niya habang nagkakape.

Malaman niyang caption dito: "The difference between coffee and their opinion is— I asked for coffee."

Tila patutsada ito ni Julia sa matinding panghuhusga ng netizens sa kanya bunsod ng kontrobersiyang kinasasangkutan.

Continue reading below ↓

Nagkomento naman agad si Dani bilang pagpapakita ng suporta kay Julia.

Aniya, “That’s my girl!!”

May isang netizen na nagkomento at may kasama pang panlalait sa hitsura ni Dani.

Sabi ng netizen: “@danibarretto wag ka sasali sa usapang magaganda [laughing emojis]”

Hindi ito pinalampas ni Dani.

Continue reading below ↓

Buwelta niya: “@whatsupbee143 eh bakit nandito ka? HAHAHAHAHAHAHA

“Feel mo maganda ka?

“Ugali mo nga ang panget eh.

“Mukha mo pa kaya [laughing emojis]"

Idiniin ni Dani ang karapatan niyang ipagtanggol ang kapatid.

“Girl, i have all the right to comment.

“I’m her ate and i was there!

“You? What right do you have?

“Who the hell are you even?

“HAHAHAHA get a life, seriously. [kiss emoji]”

Sina Dani at Julia ay anak ng aktres na si Marjorie Barretto, pero magkaiba ang kanilang mga ama.

Si Dani ay anak ni Marjorie sa dating nobyong si Kier Legaspi, at si Julia ay anak ni Marjorie sa dating asawang si Dennis Padilla.

Continue reading below ↓

Hindi na mababasa sa kasalukuyan ang palitan ng salita ni Dani at ng netizen dahil naka-disable na ang comment section ng post ni Julia.

DEFENDING JULIA

Nang pumutok ang balita tungkol sa pagdi-date umano nina Gerald at Julia, isa si Dani sa mga mabilis na nagtanggol kay Julia, gayundin si Marjorie.

Kasama si Dani sa mga dumalo sa birthday ni Rayver.

Itinanggi ni Dani na may malisya ang pagkikita nina Gerald at Julia sa party dahil magkaibigan daw sila.

Nagkasama sina Gerald at Julia sa Between Maybes noong May 2019.

Sa isang interview noong June, una nang itinanggi ni Julia na may katotohanan ang isyung may namamagitan sa kanila ni Gerald.

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Dani Barretto (right) lambasts a netizen who told her to stay out of the controversy involving younger sister Julia Barretto (left photo). Julia is being accused as the third party in the Gerald Anderson-Bea Alonzo breakup.
PHOTO/S: @juliabarretto and @danibarretto on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results