Jobelle Salvador tells niece Janella Salvador: "Marami ka pang pagdadaanan."

by Julie E. Bonifacio
Jul 27, 2019
Jobelle Salvador (left) tells niece Janella Salvador (right): "You don’t need to worry, kasi nga, bata ka pa, you know. Marami ka pang makikilala."
PHOTO/S: Noel Orsal

Magkasama sa upcoming ABS-CBN primetime series na The Killer Bride ang comebacking actress na si Jobelle Salvador, ang pinsan niyang si Maja Salvador, at ang pamangkin nilang si Janella Salvador.

Si Maja ay anak ng yumaong aktor na si Ross Rival.

Kapatid ni Ross ang ama ni Jobelle na si Direk Leroy Salvador.

Magpinsan sina Jobelle at Maja.

Paano niya naging relative si Janella?

“Janella is my pamangkin,” sabi ni Jobelle nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa mediacon ng The Killer Bride sa Dolphy Theater ng ABS-CBN, Huwebes ng gabi, July 25.

“Anak ni Juan Miguel si Janella, na pinsan namin.

“Kasi, ang lolo ni Juan Miguel is kapatid ni Lolo ko, si Lou Salvador."

Si Juan Miguel Salvador ay ang lead singer ng '80s rock band na Rage.

Tungkol kay Janella, napag-usapan ba nila ang mga pinagdaan nito sa love life?

“Medyo napag-usapan namin yung kanyang rebel years and… she’s just parang happy na napagdaanan na niya yun, you know.

Continue reading below ↓

“And she already knows what she wants.

“Alam na niya yung priority niya. So, ayun, I’m also happy.

“Sabi ko nga sa kanya, ‘Kailangang makilala mo yung pinsan mo, yung anak ko.’

“Because my youngest daughter, she just turned 18.

So, yung sa akin lang, I just want her to give my daughter some, you know, tips also and advice.

“You know kasi, pagdadaanan, e.

“Janella is 21 na and my daughter is 18.”

JOBELLE’S REBEL YEARS

Marami rin siyang pinagdaanan noon, di ba?

“Ay, sobra po!” bulalas agad-agad ni Jobelle.

“Dyusko, ‘day! Naging rebelde ako! Utang na loob, di ba?

“Lahat ata tayo, may pinagdaanan na, or yung, our rebellious years, di ba po?”

Sa tingin ba niya, naka-move on na si Janella mula sa nangyari sa relasyon nila ni Elmo Magalona?

Sabi ni Joebelle, “According to her po, you know, she’s really very happy at saka, yun nga, mukha naman pong responsible.

Continue reading below ↓

“She’s very responsible.”

JANELLA’S NEW BOYFRIEND

Ikinuwento ba sa kanya ni Janella ang nababalitang bagong boyfriend nito?

“Opo, naikuwento na niya,” pagkumpirma ni Jobelle.

“Ang sa akin naman po, sabi ko sa kanya, ‘You don’t need to worry, kasi nga, bata ka pa, you know. Marami ka pang makikilala. Marami ka pang pagdadaanan.’

“Had I known nga all those years na hindi naman ako dapat ma-in love agad, di ba? Dahil ang dami ko pang makikilala.

“Katulad ngayon, hindi pa ako nag-aasawa. Ha-ha-ha!

“Di ba? Had I waited?!”

Na-meet na ba niya ang rumored boyfriend ni Janella na si Markus Paterson?

“Hindi pa,” tugon ni Jobelle.

“Ano… parang medyo pinagbawalan kami na magdala ng mga bisi-bisita, yung ganyan, sa set.

“Kasi, we need to focus on our work. Malaki pong abala.

Continue reading below ↓

“We need to focus, kasi ano, trabaho po ‘to, e.

“Hindi naman siya ano, party-party yan. Hindi, e.

“Oras ang binabayaran sa staff, sa amin. Nagri-rent kami ng mga location.

“Sayang po yung mga oras na ibibigay namin, like, makikipagkuwentuhan kami sa fans na naaabala ang trabaho.”

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Jobelle Salvador (left) tells niece Janella Salvador (right): "You don’t need to worry, kasi nga, bata ka pa, you know. Marami ka pang makikilala."
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results