Jobelle Salvador engaged to Las Vegas-based businessman

by Julie E. Bonifacio
Jul 27, 2019
Jobelle Salvador shows her engagement ring to media people who are interviewing her.
PHOTO/S: Noel Orsal (main photo) / Julie E. Bonifacio (inset)

Agaw-pansin ang suot na singsing ni Jobelle Salvador sa grand mediacon ng ABS-CBN primetime series na The Killer Bride sa Dolphy Theater ng ABS-CBN noong Huwebes ng gabi, July 25.

Ang suot na singsing ni Jobelle ay may malaking batong diamond sa ibabaw at maliit na diamonds ang nakapalibot sa suutan ng daliri.

Engaged na siya?

Malakas na tawa ang isinagot ni Jobelle sabay pahid ng ilang daliri niya sa tip ng kanyang ilong na tila dini-display niya ang kanyang engagement ring.

“Ay, huwag na! Nakakahiya,” pagtanggi ni Jobelle na piktyuran ang kanyang suot na singsing.

“Opo, engaged na po ako,” pagkumpirma niya.

Pinoy ang fiancé ni Jobelle at taga-Pangasinan. Pero naka-base ito sa Las Vegas, Nevada bilang businessman.

Saan sila nag-meet? Gaano na sila katagal?

“Secret! Hahaha!”

Nandito siya sa Pilipinas ngayon?

“Wala po.”

Paano sila nag-meet?

Killer Bride! Ha-ha-ha! He’s very private, e.”

Continue reading below ↓

Never been married din ba ang kanyang fiancé?

“No, he was married before, divorced.”

Gaano na katagal ang relasyon nila?

“Siguro, mga eight months.”

Kailan nag-propose sa kanya?

“Ah, six months ago.”

Bakit hindi niya pinost sa social media ang proposal ng boyfriend niya gaya ng ginagawa ng ibang celebrities?

“Hindi na,” sabay ngiti ni Jobelle.

“Kapag malaking kasalan na, ayan na. Ha-ha-ha!”

Saan nag-propose sa kanya ang boyfriend niya?

“Sa Las Vegas,” sambit niya. “Naku, magagalit yun. Mahiyain kasi.”

Kailan sila magpapakasal?

“Maybe next year.”

Hanggang kailan siya mag-i-stay sa Pilipinas?

“I was told na five to eight months yung ano [taping days] ko,”

Paano sila magkikita ng kanyang fiancé?

“Pupunta-punta siya rito.

Saan ang venue ng wedding nila?

“Sa Pilipinas, yes. Ha-ha-ha! Pero bahala na po sila. Ha-ha-ha!”

Continue reading below ↓

Kung siya ang masusunod saan ang gusto niya na venue ng wedding?

“Siyempre, gusto ko dito, kasi nandito yung mommy niya. E, hopefully, maging maayos.”

NO SHARING OF GROOM

Willing ba siyang i-share ang kanyang groom?

“Of course not. Hindi naman ako Muslim. Ha-ha-ha!” halakhak ni Jobelle.

Posible ba siyang maging killer bride kapag nalaman niyang may ibang babae ang groom niya?

“Hindi naman siguro... tendency? Ay, wala naman po.

“Hindi naman po ako papatay. Kung ayaw niya sa akin, I’ll just let him go.

“Ang dami pa naman pong lalaki diyan.”

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Jobelle Salvador shows her engagement ring to media people who are interviewing her.
PHOTO/S: Noel Orsal (main photo) / Julie E. Bonifacio (inset)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results