Jennylyn Mercado recalls the time when she thought her career was over

by Bernie V. Franco
Jul 27, 2019
Jennylyn Mercado recalls the moment in her life when she thought that it was the end of her showbiz career.
PHOTO/S: Noel Orsal

Inamin ni Jennylyn Mercado na inakala niya noon na wala na siyang career na babalikan, partikular nang mabuntis ito at panandaliang iniwan ang showbiz.

Taong 2008 nang isapubliko na buntis si Jennylyn sa anak niya sa dating boyfriend na si Patrick Garcia.

Sa contract signing ni Jennylyn ngayong July 26, Biyernes, naging emosyunal ang aktres dahil sa 16 years niya sa showbiz ay hindi raw siya pinabayaan ng kanyang home network, ang GMA-7.

“Nung mga times na hindi ko alam kung kaya ko pa bang bumalik at kung kaya ko pa bang humarap sa mga tao...” naluluhang pahayag ng aktres.

“Yung 16 years na iyon na nasa GMA ako, doon ko napatunayan na hindi lang nila ako tinrato as an artist, tinrato nila ako na parang anak, na parang pamilya.

“Sa lahat ng moments na akala ko hindi na ako makakabalik, nung nabuntis ako, nung nagkaroon ako ng anak, tinanggap nila ulit ako nang maluwag.

Continue reading below ↓

“At tinanggap nila ako nang buung-buo at hindi nila ako pinabayaan.”

Ani Jennylyn, sumagi talaga noon sa isip niya na katapusan na ng kanyang career.

“Opo. May mga pagsubok na dumating sa akin na akala ko hindi na talaga ako makakabalik.

“Pero tulad nga po ng sinabi ko kanina, hindi naman ako pinabayaan ng GMA.

“At nung time na ready na uli akong bumalik, talagang tinanggap nila ako nang buung-buo.

“Hindi sila nagdalawang-isip na alagaan ulit ako. At siyempre, hindi ako makakarating dito ngayon kung hindi dahil sa kanila.”

JENNYLYN HAS NO REGRETS

Paglilinaw ng aktres, wala siyang pinagsisisihan sa lahat ng kanyang pinagdaanan.

“Kung may pinagsisisihan ako, kung meron man akong nagawa noon na hindi ko sinasadya, hindi tama, siguro tama lang na pinagdaanan ko siya kasi marami akong natutunan don sa mga pagsubok na iyon,” pahayag niya.

Anu-ano naman ang mga natutunan niya sa 16 na taon niya sa showbiz at maipapayo sa mga gustong pumasok sa showbbiz at magtagal?

Continue reading below ↓

“Mahalin nila ang craft nila.

“Huwag silang tumigil aralin kung ano yung gusto nilang gawin.

“Kailangan nasa good company sila… to be with good people, 'tsaka surround yourself with good friends at kailangan maganda yung pagpapalaki sa iyo.

“Mahalin mo yung mga magulang mo, huwag mong kalimutan kung saan ka nanggaling.

“Kailangan yung paa mo lagi lang nakatapak sa lupa.

“Huwag kang magbabago at i-treat mo yung mga tao sa paligid mo na pantay-pantay lahat.”

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story โ†’
Jennylyn Mercado recalls the moment in her life when she thought that it was the end of her showbiz career.
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results