Are Angelica Panganiban and Cholo Barretto already a couple?

by Arniel C. Serato
Jul 27, 2019
Angelica Panganiban's latest Instagram Stories post hints at relationship with Cholo Barretto: "Baby pudding, Now it's out."
PHOTO/S: Courtesy: @iamangelicap / @therealangellocsin on Instagram

In a relationship na nga ba sina Angelica Panganiban at Cholo Barretto?

Nitong nakaraang Huwebes ng gabi, July 25, napansin ng netizens ang Instagram Stories (IG Stories) post ni Angelica tungkol sa kanila ni Cholo.

Isa sa nakakaintrigang captions na kanyang ibinahagi sa kanyang IG Stories ang "Baby Pudding Now, it's out @pochollobarretto.”

Continue reading below ↓

Isa pang caption niya ay ang mga salitang “Magkakagulo ang mundo @pocholobarretto.”

Mukhang "sinagot" naman ni Angelica si Cholo base na rin sa ibinahagi pa niya sa kanyang IG Story.

Nakalagay dito, "IT'S A YES PUDDING."

Continue reading below ↓

Isa sa nag-congratulate kaagad kay Cholo ay si Angel Locsin, ang co-star nito sa The General’s Daughter.

Sabi ni Angel sa in-upload niyang video sa kanyang IG Stories, “Congratulations Cholo, congratulations.

“I’m so happy for you, I’m so happy for you.”

Continue reading below ↓

Punung-puno ng heart emojis ang IG Story na ito ni Angel at meron ding happy cry emoji at naka-tag ang Instagram handle ni Angelica na @iamangelicap.

Tatlong araw lamang ang nakalipas, mariing pinabulaanan ni Angelica na may namamagitan na sa kanila ni Cholo.

Sabi pa ni Angelica sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “I'm not looking for someone kasi.

"Kung may dumating, baka sipain ko palayo.

“Masyado akong masaya sa state ko ngayon, e.

"Hindi ko afford na masira yung happiness ko, kumbaga, kung nasaan ako ngayon.

“Pinaghirapan kong ma-achieve yung love na mayroon ako for myself, for my happiness.

“Bigla na lang may ie-entertain akong ibang tao sa buhay ko?

"Baka bigla na lang masira lang uli yun.

“Kailangan ko siguro maramdaman na talagang okay na ako.

“Sobra kasing okay na ako, hindi ko kailangan ng ibang tao para magpasaya sa akin, kasi masayang-masaya na ako.

Continue reading below ↓

“Mayroon akong fear na sisirain lang yung happiness na mayroon ako ngayon pagka nagpasok pa ako ng problema sa buhay ko.”

Ang huling naugnay kay Angelica ay ang ex-boyfriend nitong si Carlo Aquino.

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Angelica Panganiban's latest Instagram Stories post hints at relationship with Cholo Barretto: "Baby pudding, Now it's out."
PHOTO/S: Courtesy: @iamangelicap / @therealangellocsin on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results