Barbie Imperial admits having potential suitors despite being single

by Glenn Regondola
Jul 27, 2019
Barbie Imperial doesn't feel too excited about her love life these days, despite having many potential suitors: “Wala nga po akong napupusuan. Well, meron naman, pero ma-hold back kasi ako, e. Gusto ko, sigurado talaga."
PHOTO/S: Glenn Regondola

Single daw ang status ngayon ni Barbie Imperial, kahit aminado siyang meron ding nagpaparamdam sa kanya na gusto siyang ligawan.

Karamihan dito ay non-showbiz guys, pero wala pa naman daw siyang napupusuan.

Pero bakit nga ba siya single ngayon?

Ito ang unang inalam sa kanya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ng ilang movie press nang makapanayam niya sa San Vicente, Palawan kamakailan.

Sagot ng young actress sa tanong nga kung bakit wala pa rin siyang boyfriend ngayon, “E, wala. Ganun po talaga.

“It’s my choice, it’s my music. Hahaha!

“Well, for now, non-showbiz [ang gusto niyang maging boyfriend kung sakali].

“Wala pa po akong balak mag-boyfriend talaga kasi, wala lang. Parang sunud-sunod.

“Hindi naman po ako na-trauma.

“Wala lang po, siguro na-enjoy ko lang.

“Like ngayon, siguro, wala ako ngayon dito kung may dyowa ako.”

Continue reading below ↓

CHOOSY?

Pero may idini-date ba siya?

Sagot ng 20-year-old Kapamilya actress, “No. Nagpaparamdam lang, Madami.

Pag-amin niya, “Wala nga po akong napupusuan.

“Well, meron naman, pero ma-hold back kasi ako, e.

“Gusto ko, sigurado talaga.

“Hirap din po na papalit-palit, paiba-iba. Pangit.

“Parang everytime na mag-i-start, parang... alam niyo po yun?

“Yung feeling na nagsisimula.”

BUSY WITH PROJECTS

Samantala, pagdating naman daw sa takbo ng kanyang career, ay masaya naman raw siya.

Pagkatapos ng teleseryeng Araw-Gabi, ang focus niya ngayon ay para naman sa iWant.TV.

Aniya, “Sa ngayon, ang dami kong ginagawa sa iWant TV.

“Meron akong Taiwan That You Love, kasama ko si Paulo Angeles.

“’Tapos, may ginagawa din ako na You Have Arrived kasama ko si Ellise Joson para naman sa iWant Movies po.

“Yung with Paulo, series naman po yun, at ipapalabas this August.”

Continue reading below ↓

DREAM LEADING MAN

Marami rin ang curious malaman kung meron siyang dream leading man.

Saad ng Bicolanang actress, “Ako naman po, kung sino ang i-partner sa akin, winu-work ko talaga yung chemistry.

“So, yun po.

“Pansin niyo po, kapag meron.

“Ang importante talaga, ay maganda ang working relationship mo sa leading man, dahil kayo naman ang magdadala ng mga eksena.

“Napapansin naman po yan, kapag halatalng pinipilit, di ba?”

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Barbie Imperial doesn't feel too excited about her love life these days, despite having many potential suitors: “Wala nga po akong napupusuan. Well, meron naman, pero ma-hold back kasi ako, e. Gusto ko, sigurado talaga."
PHOTO/S: Glenn Regondola
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results