Heart Evangelista enjoys buhay probinsya in Sorsogon

by Jerry Olea
Jul 27, 2019
Heart Evangelista seems smitten by Sorsogon's quiet and rustic charm: “I really enjoy Sorsogon. Pag nandoon ako, nare-relax ako.”
PHOTO/S: Jerry Olea

“I’m very good!” mabilis na tugon ni Heart Evangelista nang kumustahin ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) nitong Sabado ng Hapon, Hulyo 27, sa opening ng pop-up store ng Kamiseta sa Uptown Mall, BGC, Taguig City.

Kumusta na ang buhay niya sa Sorsogon, at ang mga project niya roon bilang maybahay ng bagong gobernador (Chiz Escudero) ng lalawigan?

“Masaya naman. Hectic but it’s very fulfilling,” napangiti niyang sambit.

Nasa process pa rin daw ang adhikain niyang pagpapatayo ng shelter para sa mga hayop.

Saad niya, “I’m trying to make sure everything is right.

“Medyo matagal siya but I’d rather take time and make it right.

“Hindi lang kasi siya government. It will also be like a personal project of mine.”

May mga prospect na silang location, pero pinag-aaralan pa nila which one is the best.

Continue reading below ↓

May project din siya para sa mga ospital, at sa edukasyon ng special children.

ENJOYING PROVINCIAL LIFE

Mas nagtatagal si Heart sa Sorsogon kesa sa Kamaynilaan.

Kuwento niya, “Mamaya, uuwi ako sa Sorsogon.

“But I enjoy, kasi I live such a fast-paced life and dati kasi, may farm kami sa Cavite with my dad.

“Nangangabayo kami, ganyan. Gusto ko rin yung buhay na ‘yon.

“So, I really enjoy Sorsogon. Pag nandoon ako, nare-relax ako.”

Anu-anong tourist destinations ng Sorsogon ang paborito niya?

“I like Bulusan Lake. Meron din kaming pink beach.

“Marami kaming magagandang beach doon,” pagmamalaki ni Heart.

“Meron din kami kung saan nandoon yung mga butanding. Marami! Pagkain, lahat!

“So, really... putting everything together, and... lahat ng mga barkada ko, sabi ko, doon na sila magbakasyon.

“Kasi, there are so many undiscovered areas!”

Continue reading below ↓

INTERNATIONAL MOVIE PROJECT

Natapos na ang shooting ni Heart ng part 1 ng international movie na kinunan sa China at Amerika.

Pagkumpirma niya, “We’re done with the first part, and then we’ll come back for the second, for the Book 2.

“So, medyo hectic siya.”

Ipapalabas sa North America ang naturang international movie, hopefully bago matapos ang taon.

ANXIETY ATTACKS

Nilinaw na rin namin kay Heart yung bali-balitang dumadalas ang kanyang anxiety attack.

“Just for the flying, oo! Kasi, talagang takot ako sa flying,” paliwanag ni Heart.

“But OK naman. Kaya naman.”

Nagiging sakitin ba siya lately?

Aniya, “Hindi naman. Kabado lang talaga ako pag sa eroplano.”

NO TIME YET FOR TV PROJECTS

May mga nagwi-wish na magbalik-teleserye si Heart. Meron pang nag-suggest na bagay siyang leading lady ni Dingdong Dantes sa Pinoy version ng K-drama na Descendants of the Sun.

Paglinaw niya, “Now, no, hindi muna ako a-accept ng teleserye. I’ll just do other things.

Continue reading below ↓

“Marami pa akong gagawin. Then, maybe, we’ll see next year.”

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Heart Evangelista seems smitten by Sorsogon's quiet and rustic charm: “I really enjoy Sorsogon. Pag nandoon ako, nare-relax ako.”
PHOTO/S: Jerry Olea
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results