Fil-Am actress Isa Briones joins cast of new Star Trek spin-off

by Ruel J. Mendoza
Jul 27, 2019
Fil-Am actress Isa Briones (right, with iconic Star Trek star Patrick Stewart) has been chosen to play the role of Dahj in the forthcoming TV series Star Trek: Picard, set to premiere early 2020.

Kasama sa cast ng inaabangang Star Trek TV series titled Star Trek: Picard ang Filipino-American actress na si Isa Briones, 20, na gaganap bilang si Dahj.

Makakasama ni Isa sa naturang series sina Patrick Stewart, Brent Spiner, Alison Pill, Santiago Cabrera, Michelle Hurd, Harry Treadaway and Evan Evagora, na humarap sa isang panel during the 2019 San Diego Comic-Con.

Ang bagong Star Trek series ay tungkol sa next chapter sa buhay ni Captain Jean-Luc Picard after the events of the final Star Trek: The Next Generation feature film and Star Trek: Nemesis in 2002.

Magpe-premiere ang Star Trek: Picard in early 2020.

Kabilang sa credentials ni Isa ay ang paglabas nito sa mga Hollywood films na Takers, Brown Soup Thing and Lonely Boy.

Makasama rin si Isa sa national tour ng cast of the musical Hamilton kunsaan gumanap siya sa roles na Peggy Schuyler and Maria Reynolds. Nag-understudy din siya para sa role ni Eliza Schuyler-Hamilton.

Continue reading below ↓

Nanalo naman si Isa sa 2018 Ovation Award for her role as Natalie in the musical Next to Normal na ginawa niya for the Los Angeles-based theater company East West Players.

Nagmana ng kanyang acting and singing skills si Isa, whose real name is Isabella Camille Briones, sa kanyang parents na parehong theater and TV actors.

FAMILY OF ACTORS

Ang ama ni Isa ay ang Filipino theatre and TV actor na si Jon Jon Briones na isa sa original cast ng 1989 London production ng musical na Ms. Saigon kunsaan si Lea Salonga ang gumanap sa lead role as Kim.

Nagsimula si Jon Jon bilang part ng ensemble hanggang siya na ang gumaganap sa role na Engineer na originally ginampanan ni Jonathan Pryce.

Nakapag-guest na rin si Jon Jon sa episodes ng ilang US series tulad ng Las Vegas, Sons of Anarchy, Monk, Law & Order: LA, Southland, The Mentalist, Bones, Criminal Minds: Beyond Borders, and Designated Survivor.

Continue reading below ↓

Last year ay lumabas sa dalawang US TV mini-series si Jon Jon for director and producer Ryan Murphy. Una ay ang The Assassination of Gianni Versace: American Crime Story kunsaan gumanap siya bilang si Modesto Cunanan, ang ama ng serial killer na si Andrew Cunanan. Pangalawa ay sa American Horror Story: Apocalypse kunsaan ginampanan niya ang role as Ariel Augustus.

Kasama rin si Jon Jon sa cast ng Ratched na isang Netflix drama series.

Ang ina naman ni Isa na si Megan Johnson-Briones ay isa namang American theatre actress-singer at nagkilala sila ni Jon Jon sa musical na Miss Saigon.

Lumabas din sa ilang musicals si Megan tulad ng Ragtime, Meet Me In St. Louis, Sunday In The Park with George, A Chorus Line, Godspell and West End Story.

Sa TV ay lumabas si Megan sa Hannah Montana, Young and the Restless and As The World Turns.

Ang younger brother naman ni Isa na si Teo Briones ay isang actor din at lumabas na ito sa mga TV series na Pretty Little Liars, Lethal Weapon, Longmire, Parks and Recreation, Modern Family, Stalker and Days of Our Lives.

Continue reading below ↓
Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Fil-Am actress Isa Briones (right, with iconic Star Trek star Patrick Stewart) has been chosen to play the role of Dahj in the forthcoming TV series Star Trek: Picard, set to premiere early 2020.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results