Marjorie Barretto grateful amid family feud: "We have so much love going around for each other."

by Justine Punzalan
Jul 28, 2019
Marjorie Barretto uploads photos of her family on Instagram to douse rumors linking her to Claudine Barretto's cryptic Instagram post last Saturday, July 27, 2019.
PHOTO/S: @marjbarretto on Instagram

Para kay Marjorie Barretto, wala siyang dapat ipangamba ukol sa espekulasyon na siya ang pinasasaringan ng kanyang nakababatang kapatid na si Claudine sa kanyang Instagram post nitong nakaraang Sabado, July 27, 2019.

Gamit ang kanyang Instagram account, ibinahagi ni Marjorie na kasalukuyan siyang masaya sa piling ng kanyang pamilya at kamag-anak.

Nag-upload ang aktres ng tatlong sunud-sunod na post ngayong Linggo ng tanghali, July 28, 2019, na naglalaman ng iba't ibang litrato ng pamilya Barretto.

"Family [heart emoji]," sulat niya sa caption para sa dalawang naunang post.

Nagpahayag naman siya ng madamdaming mensahe sa ikatlong post.

Ika niya, "My family [heart emoji].

"I want to specially thank my Dad and Mom, my siblings, my nephews and nieces for all the love and moral support you have showered me and most especially my kids.

"Always present in every season of our lives.

"We have so much love going around for each other.

"Thought of spending my Sunday feeling grateful [folded hands emoji]"

Continue reading below ↓

Continue reading below ↓

Mapapansing wala ni isa sa mga litratong ito si Claudine at ang nakatatandang kapatid nilang si Gretchen.

CLAUDINE'S CRYPTIC POST

Kahapon, July 27, 2019, ay nag-post si Claudine ng quote sa kanyang Instagram account na nagsabing, "Oh, I'm sorry. I forgot that I only exist when you need something."

Isinulat niya sa caption, "I’m Done! I can only do and take so much."

Continue reading below ↓

Sinang-ayunan naman ito ni Gretchen kasabay ang pag-comment ng, "CORRECT. DO NOT ALLOW OTHERS TO ABUSE YOUR KINDNESS.

"Is it the mother-daughter team [rolling on the floor laughing emoji]"

Continue reading below ↓

Sagot ni Claudine, "@gretchenbarretto [broken heart emoji] I thank God I have u."

Hindi man klaro kung sino ang tinutukoy ng mag-ate, ang haka-haka ng kanilang mga fans ay ito'y walang iba kundi si Marjorie.

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Marjorie Barretto uploads photos of her family on Instagram to douse rumors linking her to Claudine Barretto's cryptic Instagram post last Saturday, July 27, 2019.
PHOTO/S: @marjbarretto on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results