Bukod sa pag-upload ni Claudine Barretto ng Instagram post na di umano'y pasaring sa kanyang kapatid na si Marjorie, kasalukuyan ding matunog ang pangalan ng aktres dahil sa comment niya sa Instagram post ni Bea nitong nakaraang Sabado, July 27, 2019.
Ang post ni Bea ay iniuugnay sa nababalitang pagtataksil sa kanya ng boyfriend niyang si Gerald Anderson.
Ipinahiwatig ni Claudine ang kanyang simpatiya kay Bea sa pamamagitan ng comment na,
"[broken hear emoji] you are loved [heart emoji]"

Nagpasalamat ang ilang fans ni Bea sa suporta ni Claudine sa kanilang idol.
Comment ng isang fan, "@claubarretto thanks so much for Bea [face blowing a kiss emoji]"

May ilan ding diretsong ipinukol ang komento ni Claudine sa kanyang pamangking si Julia Baretto, na inaakusahang "third party" sa relasyon nina Gerald at Bea.

Hindi man sinagot ni Bea ang mga comments sa post niya, nasabi naman ng aktres kay ABS-CBN News reporter MJ Felipe na hindi siya pormal na hiniwalayan ni Gerald.
Aniya, "Ah, he said that?
"Because honestly, to my understanding, we did not break up.
"He just started not talking to me."
Kasalukuyan namang tikom ang bibig nina Gerald at Julia ukol sa buweltang ito ni Bea.
