Derek Ramsay expresses support for Bea Alonzo via Instagram

by Bernie V. Franco
Jul 29, 2019
Kapuso actor Derek Ramsay offers words of comfort and encouragement to former leading lady Bea Alonzo, who is now going through a rough patch in her personal life.
PHOTO/S: @ramsayderek07 on Instagram

Hindi pinalampas ni Derek Ramsay ang pagkakataong magbigay ng words of encouragement sa dating leading lady na si Bea Alonzo, na ngayon ay may pinagdadaanan sa kanyang personal life.

Naging malaking usapin sa showbiz noong nakaraang linggo ang relasyon nina Bea at Gerald Anderson matapos akusahang pinagtaksilan umano ng aktor ang aktres.

Dawit din sa isyu si Julia Barretto na itinuturong third party diumano.

Sa kanyang Instagram account nitong July 28, Linggo, nag-post si Derek ng larawan nila ni Bea na parehong nakangiti.

Caption ng Kapuso actor: “One of the strongest, smartest and talented women i know. You are amazing @beaalonzo Keep smiling!!!!!!”

Continue reading below ↓

Pero may isang netizen ang nagtangkang sirain ang mabuting intensiyon ni Derek sa pamamagitan ng isang bastos na komento.

Agad naman itong kinastigo ni Derek at sinabihan ang netizen na huwag maging bastos.

Hindi na rin nakapalag ang basher na kinuyog ng ibang netizens.

Sina Derek at Bea ay nagtambal sa mga proyekto sa telebisyon at pelikula noong nasa bakuran pa ng ABS-CBN ang aktor.

Continue reading below ↓

Nagkasama sila sa mga teleseryeng Maging Sino Ka Man: Ang Pagbabalik (2007) at Magkaribal (2010).

Sa pelikula naman, naging co-stars sila sa One More Chance (2006), And I Love You So (2009), at Kasal (2018).

Sinimulan ni Derek ang career niya sa ABS-CBN noong 2005.

Pumirma siya ng kontrata sa TV5 noong 2012.

Pagkatapos ng anim na taon sa TV5, lumipat si Derek sa Kapuso Network at pumirma ng kontrata noong April 2019.

Kasalukuyang napapanood si Derek sa Kapuso prime-time series na The Better Woman, katambal si Andrea Torres.

Si Bea naman ay may upcoming prime-time series sa ABS-CBN at upcoming film sa Star Cinema.

BEA ALONZO'S LATEST CONTROVERSY

June 21, Linggo, kumalat sa social media ang larawan nina Gerald Anderson at Julia Barretto habang papunta umano sa parking area, pagkatapos dumalo sa birthday celebration ni Rayver Cruz.

Ayon din sa netizen na nag-upload ng mga larawan, pumasok umano sa iisang kotse sina Gerald at Julia.

Naging makahulugan naman ang post ni Bea noong Linggo na pinaniniwalaang patama kay Gerald sa pagtataksil diumano nito.

Continue reading below ↓

Todo pagtanggol naman kay Julia ang ina nitong si Marjorie Barretto at kapatid na si Dani Barretto na sinabing walang masama sa kumalat na photos nina Gerald at Julia.

Noong Biyernes, July 26, ibinunyag ni Bea sa isang interview na wala silang formal breakup ni Gerald.

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kapuso actor Derek Ramsay offers words of comfort and encouragement to former leading lady Bea Alonzo, who is now going through a rough patch in her personal life.
PHOTO/S: @ramsayderek07 on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results